Chapter 34: Security Guard

191 10 1
                                    

Zeprah's P.O.V

"Hindi ka muna kumain anak bago ka umalis?" tanong ni mom dahil nasa baba na ko at ready ng umalis.

"Magpeprepare pa po ko eh may work pa po ko mamayang 8," sagot ko habang nakatingin sa relo ko. Its already 5:23 am. Inagahan ko talaga ang gising para hindi maabutan si dad, mga 6 kasi ang gising non. Si mom naman ay laging 4 nagigising. I envy her kasi body clock na talaga niya yun.

"Good morning hon, good morning baby." Biglang nanlaki ang mata ko sa biglang nagsalita. Damn! Its dad, pababa na siya ng hagdan.

Bumati naman din si mom at sinalubong ito ng kiss sa labi. Kahit matanda na sila, hindi parin nawawala ang kasweetan nila sa isa't isa. Sometimes it makes me cringe.

"Good morning dad," bati ko at hinalikan ito sa pisngi. Actually hindi alam ni mom ang mga pinag-uusapan naming at baka magtaka siya kung magiging iba ang trato ko kay dad. I'm a daddy's girl so I have to do that kahit na hindi ko gusto. Ayoko magworry si mom kasi napakaiyakin niya.

"Before you leave, let's talk in my office." I knew it pero gusto ko rin naman siyang makausap kasi bakit niya pa kailangang sabihin yun at gawin? I didn't know na uso pala sa kanya ang blackmail. I also realized na sa tuwing may ginagawa akong hindi pabor sa kanya, bakit parang mas lumalabas yung tunay niyang ugali? Siguro he just want to protect us but for what?

Nandito na kami sa office at umupo na ko katapat niya habang siya ay nasa swivel chair. Tiningnan ko na ito sa mga mata niya and he is seriously looking at me that give me chills.

"Didiretsohin na kita, I'm glad na nilalayuan mo na yung prostitute na yun," nakangiti na nitong sabi. Nilalayuan? I would never do that.

"What are you talking about dad? And why are you blackmailing me na sasaktan mo si Len? Ano bang ginawa niyang masama sa inyo?"

"I don't like her for you. Pineperahan ka lang niya at alam ko na may chance na pwede kang mainlove ka sa kanya. You're into girls." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni dad mainlove kay Len?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko with that thinking pero pinawalang bahala ko nalang dahil baka maniwala nga na may gusto ako sa babaeng adik na yun. Never!

"Dad kung yan ang inaalala mo, you don't have to worry. I don't even like her at ilang beses ko na po ba sasabihin na I'm just helping her. Kung hindi niya ako tinulungan ngayon, wala ang baby niyo," pangungumbinsi ko kay dad. "And yes I give her money cause she deserve it. Mas mahalaga naman po ang buhay right? Than money?"

Mukhang napaisip si dad dahil napatingin ito sa taas ng ceiling.

"But I really don't like her. Hindi ba pwedeng layuan mo siya hanggat maaari?"

"Dad what's your problem?" I really don't get him.

"She's a prostitute don't forget that."

"I know that dad pero tumigil na siya kaya lang naman niya yun ginawa ay para sa anak niya."

"Anak? So may anak na siya. Paano kung ipaako niya yun sayo ha?" hindi makapaniwala nitong tanong habang umiiling-iling.

"Dad hindi ko naman siya aasawahin so stop overthinking," natatawa ko nalang na sabi dahil walang kakwenta-kwenta itong pinag-uusapan namin.

"But I'm warning you kapag naging kayo, may mangyayaring masama sa kanya," seryosong sambit ni dad at uminom ng alak.

Damn ang aga-aga alak?

"Dad if you do something to her, I will never forgive you. Maglalayas ako, mawawalan na kayo ng baby. Hindi niyo na ko makikita kahit kailan. Itatakwil ko na rin kayo bilang dad ko na idol ko kasi hindi ako makapaniwala na magagawa niyo yun sa kanya. I'll get depressed and commit sui---" pinutol nito ang sasabihin ko sanang suicide. Para ring bata yung pagkakasabi ko para maawa siya sakin. Dad can't resist my cute side.

Girls For Sale (GXG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon