Chapter 26: Jealous

440 20 6
                                    


Magdalena's P.O.V

Tang ina! Bakit ang tagal ng asshole na yun?! Dalawa nalang na performance, sila Mary na. Hindi kaya natulog na yun sa kotse? Hay nako! Hindi talaga maasahan.

"Ate? Nasaan po si boss? Malapit na po kaming sumayaw," nakapout nitong tanong kagagaling lang kasi nila sa kabilang room at nagpractice ulit. Hinalikan ko nalang ang pisngi nito dahil ang cute cute niya. Mabango narin siya dahil pinaliguan kong mabuti. Mahirap na at baka mapagaya pa sa kapatid kong hangal.

"Babalik din yun, gusto mo bang puntahan ko?" balik kong tanong dito.

"Sama po ako!" Tumango nalang ako rito at binuhat siya para narin mabilis kaming makabalik. Baka narin napano na yung asshole na yun o nakagat ng ahas. Marami pa namang ahas sa labas. Hindi lang tao kundi hayop.

Habang papalabas na kami ay maraming nagtatanong, kadalasan ay mga sister kung saan kami pupunta. Sinabi ko nalang na susunduin namin si asshole. Sinabi ko rin na huwag magsisimula ang performance ng anak ko hanggat wala kami, umoo naman agad sila. Nakakapagtaka talaga, ganan ba talaga ang nagagawa ng pera? Ang babait nila. Hay nako.

"Bakit po kaya nagtagal si boss? Hindi kaya nakain na po siya ng mumu?" nag-aalalang tanong ng anak ko na ikinatawa ko.

"Hindi yun, baka siya pa ang kumain ng mumu." Hindi naman tumawa ang anak ko na ipinagtaka ko. Huwag niyang sabihing sineryoso niya yun?

Malapit na kami ngayon sa gate at may lumabas ng kotse pero hindi iyon yung kotse ni asshole. Magsasalita na sana ang anak ko ngunit tinakluban ko ang bibig nito. Mukhang nag-uusap pa kasi sila. Nagtago naman kami sa malaking puno kung saan kita silang dalawa.

"Shhh, tahimik muna," bulong ko sa anak ko at tumango naman ito.

Tang ina! Saan niya nakilala yung babaeng yun? Hindi naman siya taga rito sa bahay ampunan ah. Sa bihis nito, mukhang galing siya sa party. Naka-light pink dress kasi ito at ang taas ng heels.

Kita kong papasok na silang dalawa ng gate ng pinigilan nong babaeng malandi si asshole. Nakita ko rin na hawak niya ang cellphone at powerbank. So kaya pala nagtagal siya? Tang inang babae to! May papigil-pigil pang nalalaman?

"Why?" tanong ni asshole at ang babae naman ay napatungo na parang nahihiya pa. Tang ina! Naglalandian pa! Magsisimula na bwisit! Ito namang isa parang tanga! Ayaw pang iwanan yung ahas.

"Ate? Kilala mo ba yung kasama ni boss?" bulong na tanong ng anak ko.

"Hindi bakit?"

"Wala po, ang ganda po niya." Bigla akong nakaramdam ng galit sa hindi malamang dahilan sa sinabi ng anak ko.

"Sinong mas maganda? Ako? O siya?" Nakita kong napalunok ang anak ko sa tanong ko.

"I-ikaw po." Nginitian ko nalang ng malaki ang anak ko dahil alam kong totoo naman na maganda ako. Sobra. Binalik ko nalang ang tingin ko sa dalawang tanga na mukhang naestatwa na at parang tangang magkatitigan.

"Diba k-kanina, you t-thought k-kiss but case?" Tang ina! Ang landi? Ano raw?! Kiss? Kiss? Parehas lang yung sinabi niya! Parang tanga naman na tumawa si asshole at umiling-iling. Baliin ko ang leeg niya eh! Napakalandi! Palibhasa malaki rin ang dede nong babae.

"Sorry about that, gutom lang siguro ako," may makahulugang sabi naman ni asshole. Tang ina! Ang landi! Wala ba siyang balak tumigil?! Magsisimula na ang performance ni Mary!

"Gutom?! May biscuit ako sa car. Gusto mo?" aligagang tanong naman ng babaeng makire at painosente pa.

"No thanks, mamaya nalang siguro," tangang sabi ni asshole.

Girls For Sale (GXG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon