Chapter 17: Sister

513 22 26
                                    


Zeprah's P.O.V

"Hindi ba kayo papasok?" tanong ko kila couz at stinky. Kanina pa kasi ang mga ito nakatayo at nangangalay narin ako. Ang sama kasi ng tingin ni Len at stinky sa isa't isa na mukhang hindi papaawat.

Prostitute war na ba?

"Couz? Pwede ko bang iwan muna rito si baho I mean Angel?" What?! Who?!

"Baho?" sabat naman ni stinky pero hindi namin pinansin. Nakatingin lang din kasi ako kay couz. Yan nanaman siya sa favor niya.

"Angel?" So... Angel ang name niya? Hmm?

Tinuro naman ni couz si stinky at napatawa ako ng mapagtantong Angel nga ang pangalan nito. Kabaliktaran kasi ng ugali niya. It didn't suit her buti pa si Len, Magdalena.

Angel ba siya ng kabahuan?

"Bakit mo siya iiwan at dito pa talaga?" tanong ko kay couz at pinagdiinan ang mga iyon. Matapos siyang mangspy at bakit ba magkasama sila?

Lumapit naman bigla sakin si couz at bumulong.

"Uuwi kasi si Diana at sa condo raw tutulog." Diana? Sino naman yun? Siguro isa nanaman sa mga babae niya? Unbelievable.

"Edi iwan mo nalang siya. Bakit ba magkasama kayo?" bulong ko rin kay couz. Bigla naman itong namula matapos kong bumulong.

What the? Hindi kaya...

"Basta. Long story. Just one day. Okay?" Napairap nalang ako rito at tumango. Mukha ring iniiwasan niyang sumagot.

"The best ka talaga couz!" sabi nito at niyakap ako.
Wala naman pati akong magagawa. After all she's my cousin. Lagi rin naman siyang nandyan every time I need her.

"I gotta go. Dito ka muna baho ah." Napatawa ako sa paalam nito pati narin si Len.

"Baho mo mukha mo! Lamiatot!" sigaw nito habang papalayo si couz. Kumaway naman ito samin habang nagmamadaling umalis bilang paalam.

Lamiatot... Baho... May endearment na agad sila? Hahaha.

"Wala ka ba talaga balak pumasok?" tanong ko kay stinky dahil nakatingin ito sa papalayong pinsan ko.

There's something fishy between them.

Or something stinky?

Napailing nalang ako sa naisip ko. Hindi naman nagtagal ay biglang tumingin sakin si stinky saka taas noong pumasok. Napahigit ako ng hininga ko ng dumaan ito sakin.

Ang kapal na nga ang baho pa. Tss.

Sinarado ko nalang ang pinto at sumunod dito. Nakaupo narin si Len sa sofa pati si stinky habang nanonood ng t.v.

Wait. Hindi naman bukas ang t.v kanina right? Ang kapal talaga. Mas makapal pa ang mukha niya kay Len. Tss. Ano bang klaseng babae siya?

Ang pinagtataka ko rin ang sama ng tingin ni Len dito at mukhang nagtatanong kay stinky pero patuloy lang itong nanonood at walang pakielam. Nakataas din ang paa nito sa table.

Damn! Magkakalat nanaman siya ng lagim!

Hindi pa ako nakakalapit sa kanila ay biglang nagsalita si stinky.

"Nandito ka ba para perahan yung Zeprah na yun?" What?! Kung makapagsalita siya parang hindi ako nandito ah. Tiningnan ko nalang si Len at kita kong umirap ito. Mukhang tinitimpi nito ang sarili.

Pineperahan nga ba niya ko? Sabagay. Mukha nga pala siyang pera. Kaya lang naman siya nandito sa condo dahil sa pera at walang matuluyan. Hinahayaan ko naman dahil she saved me right?

"Baka nakakalimutan mo, ate mo ko. Ayusin mo yang pananalita mo," may pagbabantang sabi ni Len.

Wait. Magkapatid sila? For real?!

Girls For Sale (GXG Story: Completed)Where stories live. Discover now