Chapter 1: Maid

1.5K 47 0
                                    

Lamia's P.O.V

"Lamia?" Nagulat ako sa biglang pagtawag sakin ni couz, hanggang ngayon kasi galit parin siya sakin. Isang linggo na ang lumilipas, hindi rin siya nagcelebrate ng birthday pero hindi ko rin sigurado dahil hindi ko siya macontact the last few days.

"Why?" casual kong tanong habang nagtatype sa keyboard kahit na wala naman talagang tinatype.

"Sasamahan mo ko mamaya sa Bird Tree." Nagulat naman lalo ako sa loob ko dahil sa sinabi niya.

Sa pagkakaalam ko kasi puro prostitute yung nandon. Pagmamay-ari rin yun ni Martin sa pagkakaalam ko pero ron ginagawa sa lugar na yun ang kababalaghan. Ngayon kasi nakakulong si Martin dahil illegal talaga ang business niya pero hindi ko alam kung sino na ang nagpapatakbo nito. Ang hinala ko kasi hindi talaga si Martin ang pinaka-owner nito kahit na sinasabi niyang siya raw.

"Okay," nasabi ko nalang dahil kailangan kong bumawi sa kanya pero palihim akong napairap. Bakit ko ba kasi dinala siya kay Martin.

Zeprah's P.O.V

"James?!" nagulat na bati ni couz dito. Hindi ko kasi nasabi sa kanya na isasama ko si James. Hindi ko rin sinabi na may kasama kaming mga pulis na back up. Ireraid kasi namin ngayon yung lugar dahil napag-alaman ni James na hindi pala si Martin ang pinaka-owner nito at wala pang lead kung sino ba talaga. Miski si Martin dahil tinakot namin siya, siya lang daw ang nagmamanage dahil napakalaki ng binabayad sa kanya. Ang alam niya lang, boses ito ng babae.

Walang pusong babae.

Nang marating namin ang lugar at pasukin ang loob, walang katao-tao rito at mukhang napaghandaan ang dating namin. Shit!


Makalipas ang isang linggo

"Gotcha!" napangiti ako dahil binili ko kay Martin ang condo na tinutuluyan niya at sinabi ko na wala siyang gagalawin miski isa rito. Pinalaya narin namin siya ngunit ibibigay niya samin lahat ng lead ngunit ngayon, napagdesisyunan kong kumilos mag-isa. Hindi parin kasi tapos ang leave ko at may dalawa pa kong linggo. Nakakahiya na kasi kay James dahil wala naman kaming napapala at si couz naman, pampaepal lang siya.

Ngayon kasi nasa labas ako ng condo nito at papasok na ako. Nagulat ako ng pagbukas ko, may nadatnan akong nakahubad na babae kaya napatalikod ako. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha para mawala sa isip ko ang hubad na babae.

To: 09*********
Sorry I Iied, I really can't. But she's one of the maid of the owner.

Sa text palang, alam ko na kung sino. So, she's a maid? What a slut!

Pero bakit kailangan pang magsinungaling ni Martin? Atsaka bakit hindi pa niya ko padiretsohin sa totoong owner? That person must be punished!

Matapos kong basahin ay nilagay ko na ulit ito sa bulsa ko at hinarap ang babae.

"Sorry I didn't know na may tao pala rito," nakangiwi kong paliwanag at sa paa niya nakatingin.

Syempre ang bastos naman kung sa katawan niya ako tumingin!

"Wala yun, pinadala kasi ako rito ni Martin kasi diba gusto mo raw maging maid?" What?!

"Ha?Ahh o-oo," nawiwirduhang sagot kahit na hindi ko naman talaga alam ang isasagot. Sinakyan ko nalang siya pero syempre hindi yung sakay talaga. Ang bastos ko naman kung ganon.

"Oh eh bakit wala kang dalang mga damit? Maliban nalang kung nakahubad ka araw-araw," malandi habang natatawa nitong biro pero hindi ko magawang matawa o makatingin parin sa kanya. Siya ata yung tinutukoy niya.

"Ha?" walang kamuwang-muwang na tanong ko.

"Mag-impake kana sa inyo. Magkita nalang ulit tayo rito ng mga alas tres ng hapon. Okay?" malanding sabi parin nito at hinalikan pa ko sa pisngi kaya napatingin ako rito. Naramdaman ko rin kasi yung ano niya ang laki kasi.

Girls For Sale (GXG Story: Completed)Where stories live. Discover now