Chapter 29: Kilig

212 8 0
                                    

Magdalena's P.O.V

"Ahhhhhh! Ngayon lang ako kinilig sa buong buhay ko!" kinikilig na share ko kay asshole habang inaalala ang kiss ni sister at nong babae. Bago rin pala kami makapunta dito sa kwarto ay nagbangayan pa muna kami. Inaasar ko lang naman sya eh pikon.

---Flashback---

Pabalik na kami ngayon sa kwarto matapos naming makausap si sister at yung babae nito. I mean, girlfriend, kasintahan ganon.

"Kiss din tayo," basag ko sa katahimikan dahil pagkaalis nila sister ay hindi kami nag-iimikan nitong si asshole.

"What?!" gulat nitong tanong kaya napangisi ako sa kanya.

"Wala... Palibhasa gusto ay laplap. Hindi marunong humalik." Napairap naman ito sa sinabi ko.

Totoo naman kasi. Hindi siya marunong. Natapakan siguro ang ego.

"Try me and the first time I kissed you, hindi yun yung tunay kong kiss. That kiss is just your punishment coz you can't shut your mouth." Napa-o shape mouth lang ako para mas inisin siya. Ang cute kasi kunot na kunot ang noo tapos pulang pula.

"Sige nga... Gusto ko pag may kiss, may sex ha."

"Slut."

"Di ka lang marunong humalik."

"Baka ikaw ang hindi marunong. Para kang tuod," balik na nitong asar at siya naman ngayon ang nakangisi.

Aba't

"Hoy! Anong ako? Tsaka sinong tutugon eh parang asong ulol kang humalik? Ganon na ba kasarap ang labi ko? Ha?"

"Tss. Just shut up. I'm tired," sabi nalang nito pero may binubulong-bulong pa na hindi ko naman pakinig. Kaasar! Lagi nalang bumubulong!

"Asong ulol!"

---End of Flashback---

"Are you serious? Ngayon lang?" hindi makapaniwalang tanong ni asshole habang umiiling-iling.

Nakabalik narin kasi kami sa kwarto namin at nakahiga na ngayon. Magkatinginan kami ni asshole. May gusto talaga ito sakin.

Pero yun na nga tinanan na si sister nong babae at ang ganda rin ni girl in fairness. Nagdahilan itong si asshole na napadaan lang kami tapos yun palusot at naniwala naman yung dalawa. Pinaalam ni sister na sabihin namin sa mga madre na aalis na siya ganon ganon at wag na hanapin pa basta marami nakakatamad magkwento pero ahhhh nakakakilig talaga. Parang bumubuka yung tumbong ko kanina sa kilig. Alam ko ganon din si asshole dahil namumula ito at napapangiti rin. Syempre support siya bakla siya eh!

"Bakit? Anong masama ron? Palibhasa ikaw babaero kaya kung kani-kanino ka kinikilig," sumbat ko rito.

Napakadaming babae! Hindi siguro lang yun ang nakikilala ko. Marami pa.

"You have a point," amin nito habang nakangisi. Napakahonest talaga. Sarap hambalusin.

"Whatever!" Napatawa naman ito sa sinabi ko.

"But seriously, hindi ka pa kinikilig? Ngayon lang talaga?"

"Anong gusto mo sabihin ko? Hindi ba kapanipaniwala?" irap kong tanong dito. Kala niya siya lang may ganang umirap.

"I think kinilig kana sakin. I'm sure of it," mayabang na sabi nito at nakataas ang isang kilay.

"Hoy! Ang k-kapal naman ng mukha mo!" Napahalakhak ito ng magcrack ang boses ko. Tang ina! Nakakahiya. Lalaki talaga itong ulo ng babae ito!

Girls For Sale (GXG Story: Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang