Chapter 4: Mocha

824 30 0
                                    

Zeprah's P.O.V

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng tiyan ko. Napatingin naman ako sa relo ko and what the?!

Napabangon ako bigla dahil 8:32pm na. Shit!

"Bakit hindi mo ako ginising?" seryosong tanong ko habang nakahawak sa tiyan. Nakadapa kasi ito at nakatungkod ang sikong nakatingin sakin.

Hindi ba siya nangangalay?

Napangiti nalang siya ngunit hindi katulad kanina na malawak.

Kung masayang mukha sana ang bungad niya, sinadya niyang hindi ako gisingin. But no...

"You looked so tired at ang himbing ng tulog mo. Tara let's eat." Sinundan ko nalang siya dahil ayoko ng makipagtalo pa. Maybe after kong kumain?

"Happy birthday!" masiglang bati nito na ikinairap ko. Nakangiti kasi pero ang lungkot ng mata. Hindi ko nalang siya pinansin dahil lampas na nanaman din ang birthday ko. Sa halip ay sumandok na ako ng kanin.

"Wish!" Hindi ko namalayan na may sindi na pala ang kandila ng cake matapos kong makatatlong subo ng sunod-sunod.

Napahinto naman ako dahil I know that she baked that cake. My favorite...

Hindi ko nalang ulit siya pinansin dahil ang sarap niya talaga magluto. Mas prefer ko kumain ng kanin kaysa cake. Tss.

"Hey! Make a wish first!" napairap nalang ako at hinipan agad ang candle. I want to eat rice, pwede bang wag syang magulo?

"Happy?" tanong ko pero sa adobo niyang luto nakatingin saka sumubo ulit.

"Hindi ka naman nagwish eh," nakapout nitong sabi na ikinatigil ko.

"Don't pout," banta ko rito na ikinangisi niya.

"You can kiss me if you want," wala lang na sabi niya. Napairap ako dahil sa bwisit niyang lips.

Ganyan talaga yan kapag siya ang unang nang-aasar ngunit kapag pinatulan, siya rin ang titiklop. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko hanggang sa matapos ako.

"Ouch," daing ko dahil ang sakit ng tiyan ko.

"Hay nako Zeph, sisirain mo yang tiyan mo. Kanina pang sinabi na dahan-dahang kumain eh." Talaga? Bakit hindi ko napakinig? Ganon na ba ka-occupied ng pagkain ang isip ko? But here she goes, nagiging si mom nanaman. Tss.

"Will you shut up? Kung kanina mo pa kasi ako ginising edi sana hindi masakit ito ngayon?" turo ko sa tiyan ko. Bigla nanaman akong nakakita ng sakit sa mga mata niya. Bigla tuloy akong naguilty pero I don't care! Its her fault anyway.

"Kasalanan mo yun past na kaya ang lunch before we met. Dapat nakakain kana," bawi nito at sa hindi nagpapatalong sagot. Nawala narin ang sakit at napalitan ng pagkainis. Siya pa talaga ang may ganang mainis?

"Whatever devil," irap kong sagot.

"Zebra," nang-aasar na bara naman nito ngunit nakabusangot parin. Abat!

Pinalampas ko muna ang sinabi niya dahil sa sakit ng tiyan ko at tiningnan nalang siya ng masama. Napapatawa nalang siya at pinagpatuloy kumain. Sige lang, lagot ka sakin mamayang devil ka!

"Where did you celebrate your birthday pala? Hindi kita macontact" tanong nito matapos kumain.

"When did you care?" wala lang na tanong ko rin at hindi siya tiningnan dahil I know what will be her reaction.

"I always care," pabulong na sagot nito na halos hindi ko na marinig. Napabuntong hininga nalang ako.

"Hindi ako nagbirthday," sabi ko dahil totoo naman. Tumunghay na ito at nakipagsukatan sakin ng tingin. Sinusuri kung totoo ba ang sinasabi ko.

Girls For Sale (GXG Story: Completed)Where stories live. Discover now