Chapter 44 part 1

Magsimula sa umpisa
                                    




Hindi pa tapos magsalita si Alejandro ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Lucila. Napansin niya ang pag-irap nito sa kanya, hindi rin naman niya masisisi ito dahil sa ginawa niya kay Lourdes. Normal lamang na magalit sa kanya ang kapatid ng asawa.




"Tita, bakit mukhang nagmamadali ka?"




"Gusto kong maabutan ang magaling mong ama. Did you tell him about that bitch?" Mataray na tanong ni Lucila. Baligtad sila ng personalidad ng kanyang ate Lourdes, hindi siya takot na ipaglaban ang isang bagay basta nasa katwiran siya.




"I'm about to tell him bago kayo dumating." Mabilis na tugon ni Jesica sa tiyahin.




"That's great! Gusto kong Makita ang magiging reaksiyon ng daddy mo kapag nalaman niya ang ginawa ng walanghiyang babaeng iyun." Nanggigigil na wika ni Lucila. Kaninang nalaman niya ang tungkol sa ginawa ni Carmen ay ilang minute pa ang tinagal nila ng kaibigan niya sa bahay ng bruha. Pilit niyang pinakitunguhan ito ng maayos dahil naisip niya na baka may masamng gawin ito sa kanya lalo na nasa loob siya ng pamamahay nito.




Napailing na lamang si Alejandro habang nakikinig sa dalawa. Nag-uusap ang mga ito na parang wala siya roon.




"Ano ba ang ginawa ni Carmen kay Venice?" Hindi na nakatiis na tanong ni Alejandro. Kay Jesica siya nakatingin.




"Daddy, alam mo ba ang babaeng yun ang nagbigay ng pagkain kay Venice na may nuts." Simula ni Jesica.




Napasinghap si Alejandro. Bigla niyang naalala na naikwento nga niya kay Carmen ang apo at ang tungkol sa sakit nito. "Mahirap magbintang lalo na wala tayong pruweba." Mahinang usal ni Alejandro.




"Alejandro! Don't tell us na kinakampihan mo pa ang babae mo." Singhal ni Lucila.




"Hindi ko siya kinakampihan. Paano kayo nakakasiguro na si Carmen nga ang may kagagawan nito?"




"Kung nandito lang ang ate Lourdes baka isumpa ka na nun sa mga pinagsasasabi mo." Nakasimangot si Lucila habang nagsasalita. "Nandun ako sa love nest niyo ni Carmen kanina, nakita ko rin ang pagtatalo ninyo."




"Huh?" Anong ginagawa mo doon? At kung nakita mo kaming nagkakasagutan kanina ay dahil tianpos ko na ang relasyon naming."




"That's the reason, kung bakit niya ginawa ito. Siguro nararamdaman na niya na darating kayo sa ganito kaya gumawa siya ng paraan para hindi ka maging Masaya. And she knows that your weakness is your grandchild. Huwag mo ng tanungin kung paano ko nalaman ito dahil naririnig ko habang nagsusumbong siya sa kaibigan ko na pinsan niya."




"Damn!" Hindi niya ugaling magmura pero hindi niya napigilan ang sarili ng mga sandaling iyun. "We beed evidences para pagbayaran niya ang ginawa niya sa apo ko." Mhahalata na ang galit sa boses ni Alejandro.




"Daddy, kausapin mo si Mr. Canlas para mareview natin ang kuha ng CCTV sa playground." Tukoy ni Jesica sa president ng association ng village nila.




Mabilis na nagpaalam si Alejandro para asikasuhin ang mga ebidensiya laban kay Carmen. Hindi niya maaaring palampasin ito dahil muntik ng mawala sa kanila si Venice.

_________________________

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon