Chapter 38

3 0 0
                                    

Third Person POV
"Bakit sila pang mga kaibigan ko... bakit sila pa?!" lumuluha niyang tanong sa sarili. "Self... please... Mira, kumalma ka. Okay ka, okay ka self..."

Pumasok siya sa pinto... matamlay... napahi na ang luha sa mata ngunit halata pa rin ang kanyang pag-iyak. Ngunit hindi pa pala dito natatapos ang lahat...

"Mira! Naku buti at nandito ka na! Bilisan mo... magbihis ka na. Nakahanda na lahat ng dadalhin n'yong gamit. Kailangang makauwi kayo agad ng Baguio!"

"Bakit po, Manang Rosa? Ba't parang natataranta kayo? Bakit po namin kailangan umuwi ng Baguio ayy ilang araw na po at pupunta na dito sina Nanay?"

"Wag ka nang magtanong, Ineng. Ang mahalaga ay maabutan mo pa ang mga magulang mo." natataranta pa rin si Manang Rosa.

"Maabutan? Pa'no pong maabutan? Manang Rosa?"

"Paki-usap wag ka na munang magtanong. Sige na, bilisan mo."

Kinabahan si Mira sa narinig at dali-dali siyang umakyat para magbihis. Bumaba na siya at nakitang nag-aantay na ang kanyang Mama na balisang-balisa rin. Hindi na niya nagawang magtanong pa. Nagawa na ni Donya Carmela ang umarkila ng private plane para lang makauwi agad sila papuntang Baguio.

Nagtataka si Mira ng sunduin sila ni Mang Ben na halata ang panlulumo. Ilang saglit pa... "Mama, bakit po tayo nasa ospital?"

Hindi siya sinagot ng kanyang Mama... tumingin lang ito saka hinawakan at pinisil ang kanyang kamay. Nagtatakbo sila paloob at dumiretso sa isang kwartong may doktor na niri-revive ang isang pasyenting naliligo sa dugo...

"Time of death 3:15 pm. I'm sorry, ginawa na namin ang lahat."

Nakita ni Mira ang pagtangis ni Julie na yumakap kay Manang Lucia na may benda sa balikat... Agad siyang lumapit at yumakap sa kaibigan...

"Bakit, ano pong nangyari? Nakikiramay ako Julie." malungkot niyang wika.

"Mira..." niyakap niya ang kaibigan, inaalo habang patuloy itong umiiyak... "Ang N-Nanay at T-Tatay mo... ang Nanay at Tatay mo... WALA NA SILA...."

Naguluhan si Mira ngunit bago pa siya makapagsalita ay itinuro na ni Julie ang babaeng nakaratay sa kama...

"N-Nay? Nanay ko! Bakit? Bakit po?! Anong nangyari? Julie bakit... a-anong nangyari sa nanay ko? A-Ang T-Tatay ko po?"

Walang sumagot sa kanya... lahat ay nag-iiyakan... binuklat ni Manang Lucia ang tabing ng kabilang kwarto na mas lalong ikinagulat ni Mira... Ang kanyang ama na may mga taga sa katawan, maraming dugo at.... Wala na ring buhay.

"H-Hindi... H-Hindiii....!!!"

"Mira, anak! Ben, tulungan niyo ako! Tumawag kayo ng doktor o kahit na ano! Mira... Mira, gising..." yakap-yakap at tinanapik niya ang nakahandusay na anak...

Oo... dahil sa sobrang lungkot at gulat ay nawalan nga ng ulirat si Mira.

Makalipas ang halos kalahating oras ay nagising na si Mira... nasa isang private room na siya.

"Mama, ang sama ng panaginip ko Ma. Nakita ko daw sina Nanay at Tatay na p-patay. Buti na nga lang po at panaginip, hindi po siya magkakatotoo. Bakit po pala ako nasa ospital?"

"Doc?" baling ni Donya Carmela sa doctor.

"She's in shock. Marahil ayaw tanggapin ng utak niya ang nakita niya kanina. She'll be okay, give her some time. Maiwan ko na kayo. I'll go and check my other patients."

"Thank you, Doc."

"You'll be fine, Mira. Acceptance is your medicine. Matatanggap mo rin ang lahat. Nakikiramay ako." sabi nito bago tuluyang lumabas.

"The One That Got Away"Where stories live. Discover now