Chapter 32

3 0 0
                                    

Third Person POV
Time past and now it's been five months na wala na si Zander sa school and sa buhay ni Mira... wala lang in the way na hindi sila magkasama pero they still have connections with each other through internet na nga lang...

Mira became Zander's replacement as the classroom president... leader and top student but in all of them, sa lahat ng usapan ay nandun pa rin si Zander. She misses him... Maladas sigurong nasasamid si Zander sa dami ng bumabanggit at nakaka-alala sa kanya...

Si Zander naman ay kasalukuyang pumapasok sa isang sikat na University sa Seoul, South Korea... top and famous students. Kung ano siya sa REU, ganon din siya sa school niya ngayon... higit pa. At an early age, sinasanay na siyang magmanage ng family business nila sa Korea.

"Bro... nakakausap mo ba si Zander?" tanong ni Matthew.

"Madalang... malamang busy na un. Ikaw ba naman school, family, personal tsaka may business pa. Mahirap yun." sagot naman ni Edward.

"Pero tumatawag or nagtetext naman siya." dagdag ni Stephen. "Basta ung favor n'ya wag nating kalimutan."

"Kahit di niya naman un sabihin. Kaibigan at kapatid na ang turing natin kay Mira dati pa." sabi ni Matthew.

"Lalo na sayo dahil tinulungan ka niya para manligaw kay Kath." biro kay Matthew.

"Tsaka dapat lang kasi best friend siya ng girlfriend mo 'no!" sabi pa ni Stephen. "Hayy bro... ilang months and quarter na lang gagraduate na tayo."

"Konting tiis na lang..." sabi pa ng dalawa.

Meanwhile... sa isang magara at eliganteng bahay ng Tan Family. May isang binatang sakit sa ulo ng magulang.

"Carlos! What's this? Another letter from your school na naman! Pangalawa na ito! Doesn't I told you to___"

"Behave, focus on your studies and be like your brother. Mom... I already know it, it's just I don't like it. That letter is nothing. I'll go out to have a break." pamumutol ni Carlos.

"Where are you going? I'm not yet finish!" sabi pa ni Mrs. Tan.

"Bye Mom! Mamaya na lang." dali-dali siyang tumakbo palabas ng bahay.

"Carlos! Ohh that big headed boy. He's really spoiled. Ohh God!!!" dali-dali niyang tinawagan ang school ni Carlos. "Good morning Mr. Principal. Yes, I've just read the letter. I'll be there in a minute. Okay bye, thank you sir."

Later at dinner...
"I've already got your school credentials. Bukas na bukas ita-transfer kita ng school." sabi ni Mrs. Tan.

"Mom... hindi n'yo naman po ako kailangang itransfer. Okay na po ako sa school ko ngayon tsaka hindi na po mauulit ung nangyari." sagot ni Carlos. "Ayoko pong magtransfer."

"You have no choice! Kung hindi ka magtratransfer ay maiexpell ka. We have decided and your grounded hanggat hindi ka nagtitino." sermon ng Mom niya.

"Okay fine... magtatransfer na kung magtatransfer. Saang school na po ba ako papasok?" tanong niya.

"Sa REU! Ito ang ne-recommend para matutukan ang attitudes and academic performance mo and nandun yung classmate ko nung high school." giit ng Mom niya. "So be early for tomorrow."

Kinabukasan sa REU...

"Good morning Mr. Garcia, I'm Mrs. Grace Tan. I want to enroll my son for this school year. This are his credentials." bati ni Mrs. Tan.

Binuksan ni Mr. Garcia and envelope at binigay ito kay Mrs. Palma, ang adviser ng forth year...

"Since it's all complete, we are happy to have your son here. Makakaasa kayo na gagawin namin ang lahat para matutukan ang inyong anak."

"The One That Got Away"Where stories live. Discover now