Chapter 8

5 0 0
                                    

Mira's POV
First day of school… excited o nervous?? Maaga akong nagising kaysa sa inaasahan, naligo at nagbihis. Bagay sakin ung uniform, ang tanong ay kung bagay ako sa school na papasukan ko?? Kung allowance ang pag-uusapan wala akong problema. Pero naku… hindi ko dapat isipin yun. Shareholders dun si Mama at alam ko na hindi niya ako pababayaan basta always be kind and cheerful to others. Sayang naman ung pagpunta namin sa spa and salon… sacrifice nina Nay at Tay at kabutihang- loob ni Donya Carmela kung aayaw ko. Gora na 'to para sa ekonomiya… PAK!!! PAK!!!

"Mama, I'll go ahead na po. Wish me luck po."

"Good luck… Kaya mo yan. Goodbye Mira, love you anak. Mang Jong, take care of my daughter."

"Okay po. Bye Ma… love you too." sabi ni Mira. "Mang Jong, tara na po."

Sa kotse…
"Mam, kompleto na po ba yang mga gamit ninyo? Mam, wag kayong kabahan. Dapat mam naglagay kayo ng piso sa sapatos. Joke lang po..." biro ni Mang Jong.

"Totoo po palang makwento kayo, salamat po. Hindi ko po maiwasang kabahan, bagong school syempre bagong teachers at classmates na pakikisamahan eh hindi naman po lahat ng tao ay mabait, diba?"

"Ganyan din ako dati Mam, mahirap makipag-sapalaran pero para sa pamilya, lahat nagagawa natin sukdulang tayo na ang mahirapan. Laban lang Mam, bata ka pa at madami ka pang haharapin sa buhay. Naniniwala ako sa kakayahan mo Mam, kaya mo yan… ikaw pa po ba!."

"Nakss naman si Mang Jong, may hugot pala sa buhay. Wag kayong mag-alala kaya ko 'to, salamat po."

"Wala un, Mam. Nandito na po tayo, ihahatid ko po ba kayo sa room ninyo?"

"Hala si Mang Jong ohh… wag na po… Kaya ko na po ang sarili ko. Ingat po kayo pauwi, papasok na po ako."

Pagpasok ko sa classroom, bukod na bukod ito sa classroom na kinagisnan ko. Walang maingay, lahat ay nakatutok sa kani- kanilang gadgets at napa-kalinis ng classroom. Kung titingnan ang mga kaklase ko ay mukha naman silang mababait. Room 13-A… ito na un… nasa tapat na ako ng classroom ko. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko, ganito ba pag transferee ka?! Parang nagyeyelo ako, ayaw gumalaw ng kamay o paa ko. Believe in yourself and others will believe in you too. Go Mira, carry mo yan… confidence!!

Pumasok na ako sa room, sa unahang upuan ako umupo sa gitnang row. Wala akong magawa kaya kinuha ko na lang ung cellphone ko.

"Hi, you're the transferee here right?! I'm Kathrine Salez. You can call me Kath for short."

"Yes I am, Almira Kaye Labos. You can call me Almira, Mira or Kaye but I'm more comfortable in Mira." sabay shake hands. "It's nice to meet you."

Nice Mira, may nakilala ka na agad. Mabait si Kath, magkatabi kami sa upuan. Parang kami lang yata ang nagdadaldalan sa room. Akala ko manonose-bleed ako sa kanya, buti na lang at nagtatagalog siya. Madali kaming nagkasundo kahit ilang minuto pa lang kaming magkakilala, naaalala ko sa kanya si Julie. Ilang minutes pa ay dumating na ang mga kaklase namin, sa mga gamit at porma nila… halatang mayayaman at matatalino.

"Lahat kami halos dito magkakakilala na pero wag kang mag-alala mababait naman sila, ung iba sadyang mataray at suplado lang talaga."

"Mataray at suplado?! Tulad naman nino??"

"Yun… tingnan mo ung mga girls dun. Mataray sila, and concern lang sila sa popularity and looks, nothing more nothing less. Speaking of suplado, ung dating president ng class ay suplado. Parang hindi marunong ngumiti, pag ngumiti mabilis ding mawala. Ayy... ayan na siya…" at umayos ito ng upo, lahat ay tumahimik ung iba ay kinikilig pa.

"Baka kamag-anak or kamukha ni Dingdong Dantes ang dadaan." Bulong ko pero di ako interesado, sawa na yata ako sa mukha ng mga artista dahil walang ibang laman ang TV kundi sila. Syempre entertainment! Ano ka ba girl?! Transferee plus first day syndrome ganon?!

"The One That Got Away"Where stories live. Discover now