Chapter 12

3 0 0
                                    

Third Person POV
Congratulations sa mga students with honors/ ranks dyan! Talagang kung gusto mo ang isang bagay ay gagawin mo ang lahat para maabot ito tulad ng ginawa ni Mira & all students. Pero bakit parang may kilig moments itong sina Mira at Zander during the class picture or more like light fight scene??… oppsss wag munang lagyan ng meaning. Mahirap umasa at masaktan... by the way, pumunta sa library sina Mira upang mag-aral about math tulad ng sinabi ng kanilang president na si Mr. Park.

Sa library…
"Tama na yan, nandito tayo para magbasa hindi para magtingin ng pictures." sabi ni Mira kay Kath na walang ginawa kung buklatin ang photo album.

"Ayieee… bagay kayo ni Zander. May chemistry ehh!!!" bulong ni Kath.

"Anong bagay!? Tao kami no... tsaka suplado yang si Zander."

"Ehh diba ung ideal man mo ay suplado pero gentleman... Swak na swak si Zander."

"Di ko pa s'ya nakikitang gentleman tsaka masyado siyang cute, nakakatakot mafall." bulong ni Mira.

"Sinong natatakot mafall?! Nasa library kayo, bawal magkwentuhan. Anlaki ng sign di n'yo napansin?!" pagsulpot nina Zander.

"A-ahh wala… w-wala yun..." natameme si Mira, napatingin kay Kath. "Ang ingay mo kasi."

"I want to have a copy of our class pictures. I mean... A-ang ibig kong sabihin... pahingi ako ng class picture. Pasend dito sa phone ko." sabay abot ng cellphone.

"May picture ka ng BTS?? Pasend ako." tugon ni Mira.

"What?!" sagot ni Zander.

"Wala… Sabi ko buti at nagtatagalog ka. Ipapasa ko na po." sabi ni Mira. "Okay na."

"Salamat… wala akong picture ng Bangtan. Sa IG and Twitter madami." lumabas sila ng library.

"Teka, bakit tayo lalabas?? Diba mag-aaral tayo." sabi ni Edward.

"Sa room na lang tayo or maybe tomorrow??" si Zander.

"Wow bro!! Sure ka ba?! Ngayon ko lang yan narinig sayo! Pero trip ko yan. Bro, kain muna tayo sa canteen bago bumalik ng room." yaya ni Stephen.

Sa canteen…
"Bro, ang cute n'yo dyan ni Mira. Bagay kayo..." biro ni Matthew. "Ayy… may Ms. Twin Bloom ka na nga pala, sayang naman."

"Matthew, minsan mas okay ang manahimik kung gusto mo pang maka-kain ng libre at makasama ang barkada ng mas matagal." inakbayan siya ni Edward. "Your choice bro. Ikaw din, bahala ka."

"Matanong nga kita Matthew, bakit ba si Zander ang kinukulit mo tungkol sa lovelife n'ya ehh ikaw, may love life ka na ba?!" nang-iintregrang tanong ni Stephen.

"Ehh… I like this girl in the school at alam ko din namang gusto niya ako kaya hinihintay ko na lang na siya ang lumapit." sabi ni Matthew.

"Lakas din ng hangin mo bro!! Baka torpe ka lang kaya di mo malapitan!" biro ni Edward.

"HAHAHAHAHA!!!" tawanan nila.

"Tell us. Who's this girl? Maybe we can help."  tanong ni Zander.

"Ayun na siya ohh... Nasa counter bumibili..." sabay tingin ng apat sa counter.

"Si Mira?! So, you like our Vice President??" seryosong tanong ni Zander.

"Hindi!!... Si K-Kath… si Kath ung gusto ko." sabi ulit ni Matthew na nakatabon ng mukha.

🎶"Oh oh pag-ibig… oh oh pag-ibig!🎶 Live it to me bro." sabi naman ni Edward. "Kath! Kath, dito na kayo umupo, classmates naman tayo tsaka may sasabihin daw sayo si Matthew." hinarang niya sila Kath at Mira na papunta sana sa sunod na table.

"The One That Got Away"Where stories live. Discover now