Chapter 21

4 0 0
                                    

Third Person POV
Saturday morning…
Abala ang lahat sa paglilinis ng masyon ni Donya Carmela dahil dito gaganapin ang pool party ng klase ni Mira. Maging si Mira ay katulong sa paglilinis ng mga guest room, pagpapalit ng mga kobre-kama, kumot, punda at kurtina. Si Donya Carmela naman ay busy sa paghahanda ng pastries na ihahain mamaya tulad ng pie, cupcakes, cookies at cake. Umarkila din siya ng catering para sa iba pang mga putahi.

"Mama, okay na po ung guest rooms at ung buong masyon. Si Manang po ay naglilinis na ng pool kasama si Mang Jong at sina ate Tina po ay naglalaba." sabi ni Mira habang gumagawa siya ng cupcake. "Ma pasenya na po sa abala, pwede namang po na sa ibang lugar na lang ito gawin para hindi na kayo nag-abala pa."

"Alam mo ba Mira, nung kasing edad mo pa ako. Lagi akong kasama sa mga party, mapa-pool party or beach pa yan. Minsan nga dito pa sa bahay ginaganap mga 2 days pa yun." tumigil ito ng pagmasa. "Sabi ng Lola mo... Sige lang sulitin mo ang pagiging bata mo. Hindi ka namin pipigilan, siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak... Gusto ko na ganon din ang gawin mo."

"Hindi po kasi ako sanay sa mga parti-parti na yan. Ang napuntahan ko lang po ay birthday-han ni sayawan po sa baryo natin ehh hindi ko po nakikita." sambit ni Mira.

"Masasanay ka din tsaka nandito lang ako. Nga pala diba 4 pm kayo mapunta dito, so 3:30 ay dapat nandito na ung catering para makapagset-up na tayo." hinubad niya ang apron. "Ikaw muna dito tatawagan ko pa ang Tita Loren mo. Siya kasi ang bahala sa catering. Regalo raw niya dahil sa pagkapanalo ninyo."

"Okay po, Ma! Thank you, love you po!" sagot niya at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Sa mall…
"Veronica, alin ba talaga ang bibilhin mo?? Halos lahat yata ehh naisukat mo na." naiinis na sabi ni Carol.

"Just pick whatever you want, girl. Tapos na kami, ikaw nandyan ka pa." dagdag ni Hannie.

"Pake n'yo ba?! Hindi naman kayo ang magbabayad!" singhal ni Veronica. "Girls, can you please just calm down... Why don't you just help me instead na tinatalakan n'yo ako dyan. Kunin mo nga yun! Ung kulay pula na skirtini." utos niya kay Hannie.

"Ito bagay din sayo 'to. Mas puputi ka dito and body fit s'ya." sabi ni Carol.

"One piece swimsuit?! Ayoko nyan, pangmanang ang style pati color!" nandidiri pa niyang sagot.

"Girls, let me remind you na it's already 3:45 na and we're doing this shopping mula pa kaninang 11 am. Remember 4 pm ang usapan." paalala ni Dennise.

"Don't worry, we're here in the meeting place naman ehh. Wala pa naman sila." umikot siya sa kabilang side. "Girls!"

Mabilis namang lumapit ang tatlo.

"What?!" tanong ni Carol. "Ano ba yun!?"

"Look at this! It's perfect diba?!" sabi niya at idiniit sa katawan ang nakitang swimsuit.

"Yeah! I like it's color and style. Akin na lang yan then palitan tayo!" sambit ni Dennise.

"No! I like this one, it's just perfect. Miss, I'll take this." sabi niya sa saleslady.

"Yes Mam, dito po tayo." turo niya sa counter.

"Now it's all settled! Let's just wait for time. I can't wait for the pool party this evening." dagdag ni Veronica. "This night is mine. Comm'on girls!"

It's true na it's all settled na nga dahil maging sa mansyon ay ready na. All the food dishes and catering are done, sound to light system, the pool is cleaned and the mansion too. Sinundo na ni Mira ang mga kaklase, she looks cute on her jagger pants and white t-shirt. Nasa mall na ang lahat ng dumating siya.

"The One That Got Away"Where stories live. Discover now