Chapter 3

7 0 0
                                    

Third Person POV
It's time to go and say goodbye... Mabigat man sa kalooban ni Mira lalong- lalo na sa kanyang mga magulang ay dumating na ang araw ng pag-alis ni Mira at Donya Carmela. Bago sumikat ang araw ay nasa hasyenda na sila Mira upang maagang makaalis, eroplano kasi ang sasakyan nila patungong maynila, baka mahuli sila sa kanilang flight.

"Mang Dick at Aling Sally, aalis na kami ni Mira. Wag kayong mag-alala, di ko siya pababayaan at ituturing kong parang anak. Kayo na ang bahala dito sa hasyenda. Mira, magpaalam ka na sa iyong mga magulang." sambit ni Donya Carmela.

Mahigpit na niyakap ni Mira ang mga magulang, ayaw niyang bumitaw pero kailangan. Inisip n'ya na lang na para ito sa kabutihan niya at ng kanyang pamilya.

"Mamimiss ko po kayo Nay, Tay. Hinding- hindi ko po kalilimutan ang mga bilin ninyo. Mag-iingat po kayo dito. Mahal na Mahal ko po kayo." paalam ni Mira na hindi mapigil ang pag-iyak.

"Mamimiss ka din namin ng Tatay mo. Mag-iingat ka doon at mag-aral ng mabuti. Tandaan mo na lagi lang kaming nandito para sayo." paalam ni Aling Sally sa anak habang iniaabot ang bag ni Mira.

"Mahal ka namin anak..." dugtong ni Mang Dick.

"Mira, tayo na. Aalis na kami. Ingat kayo dito!" yaya ni Donya Carmela at sumakay na sa kotse.

Sumakay na rin si Mira. Nagsimula ng umandar ang kotse, pinigil ni Mira ang pagluha ngunit sadyang di niya maawat ang kanyang nararamdaman, hindi niya maialis ang tinggin sa likod ng kotse, umaasang makikita pa niya ang mga magulang kahit sa huling pagkakataon. Samantala, pinagmasdan nina Aling Sally at Mang Dick ng may mabigat na puso ang pag-alis ng kotse hanggang sa hindi na ito maabot ng kanilang paningin. Pakiwari nila'y hindi na nila makakasama o makikita ang kanilang anak, nagagalit sila sa kanilang sarili ngunit umaasa na lamang sila na ang lahat ng ito ay may dahilan at magandang patutunguhan.

Matapos ang ilang oras na biyahe ay dumating na rin sa wakas sa maynila sina Mira. Tinawagan ni Donya Carmela ang driver niya upang sunduin sila sa airport. "Welcome to Manila, the capital of the Philippines!!!... Have fun and enjoy!" Napuno ng nagtataasan at naglalakihang building ang paningin ni Mira. Kahit saan niya ibaling ang paningin ay wala siyang ibang ekspresyon kundi ang pagkamangha. Nakabuka pa nga ang bibig niya buong biyahe (ng slight, slight lang para di OA). Modernong-moderno ang maynila hindi tulad ng probinsyang kinalakhan niya. Ilang minuto pa ay papasok na ang kotse sa isang subdivision kung saan nakatira si Donya Carmela.

Sa mansyon…
Nagbosina ang kotseng sinasakyan ni Mira, tumingin siya sa labas ng kotse at nakita ang isang malaki at magandang mansyon. Bumukas na ang gate at pumasok na ang kotse, binuksan ng mga kasambahay ang kotse at bumaba si Donya Carmela kasunod si Mira. Dumiresto naman sa garahe ang kotse at ibinaba ng driver ang mga maleta nina Donya Carmela.

"Maligayang pagbabalik, Donya Carmela. Welcome po Mam Almira." bati ni Manang Rosa, ang mayor doma sa mansyon.

Ngumiti ang Donya samantalang si Mira ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nakikita ng kanyang mata. Pumasok na sila sa loob ng bahay at nagtuloy sa sala. Hindi maiwasan ni Mira sa matulala sa ganda ng bahay.

Mira's POV
Lord totoo po ba ito o nananaginip lang ako?! Gusto kong sampalin ang sarili ko pero magmumukha naman akong tanga sa harap ni Donya Carmela. Okay Mira, relax ka lang… Tama na ang pagiging muling... Isarado ang bibig dahil baka pasukan ng langaw.

"Wow!... Ito po ang bahay n'yo, Donya Carmela? Mas malaki at maganda po ito kaysa sa nasa probinsya."

"Yes Mira, welcome to my humble home. Feel comfortable and enjoy your stay in here." tugon ni Donya Carmela na medyo nakaka-nosebleed pa.

Hinay-hinay tayo sa English baka dumugo ang ilong ko, baka walang suka' dito… mahirap na pero baka may vinegar sila okay na un. Pero kaya ko 'to, nagpractice kaya akong mag-english just in case na kailanganin.

"The One That Got Away"Onde histórias criam vida. Descubra agora