"Patawad mahal, hindi ko man lang napansin agad ang kalagayan mong ito. Kasalanan ko, patawarin mo sana ako. Patawad."


Hinalikan niya ng ilang beses ang kanang kamay ng asawa na hawak hawak niya. Napatingin siya sa heneral niya, tinanguan niya ito. Yumukod ng kaunti ang heneral saka ito lumabas. Kahit hindi na niya sabihin, alam na nito ang dapat na gawin.


SA kabilang dako naman ay abala ang dalawang magkasintahan sa pag haharutan. Habang ang ina ng binata ay nahimatay na ng dahil sa labis na pag-aalala, ang binata naman ay nagpapakasaya. Sinusulit ang masasayang sandali na kasama niya ang nobya.

Nararapat lang na sulitin niya, hindi niya alam baka sa pag-alis nila sa lugar na ito ay ang paghihiwalay na din pala ng landas nila. Malay niyo nnaman diba? Walang may nakakaalam sa tadhana nika, kahit nga ako walang alam e.



Nagpapadyak si Night habang ang nguso ay humahaba na naman. Dinuro niya ang mag-ama niya. Naiinis na siya sa dalawa. Paano ba naman kasi, ang dadaya.


"Kayong dalawa hah, dinadaya niyo ako. Lalo ka na!" turo niya sa anak nilang lion na tinitigan lang siya. Baliw talaga, kung kausapin niya ang anak nila akala naman niya ay masasagot siya. "Makadaddy ka talaga. Ayaw mo ba kay momny? Hah? Maganda naman ako ah tapos sexy pa. Dapat ako ang kinakampihan mo. Yan tuloy, talo na naman ako." inis na aniya


Kanina pa sila nag lalaro at kanina pa din siya pinagtutulungan ng mag-ama niya. Ano nga ba ang nilalaro nila? Ahm, wala naman. Pagandahan ng mabubuong imahe gamit ang maliliit na tipak ng bato na makikita sa paligid ng talon.

Basang basa sikang tatlo. Naligo sila e. Ang lamig kaya ng tubig. Umagang umaga naligo na agad sila. Wala labg, trip labg nila. Bakit ba? Matapang sila e. Hindi sila lahing kambing.


"My dwarf, hahaha, huwag mong isisi sa anak natin ang pagkatalo mo. Talonan ka lang talaga, my dwarf." natatawang ani ni Coldy. Halatang inaasar ang nobya.

Wala lang, trip niyang asarin ngayon ng todo ang nobya niya. Ewan ba niya, gustong gusto niya ngayong makita na asar na asar sa kaniya ang nobya niya.

Kumuha ng isang maliit na tangkay ng punong kahoy si Night, mabikis na kumapit siya sa nobyo saka ito sinubukabg hampasin pero ang loko mabilis na tumayo mula sa kinauupoan saka tumakbo palayo sa kaniya.

Dahil sa haba ng binti ng binata, nahihingal na huminto ang dalaga saka napahawak sa dalawang tuhod niya. Naghahabol siya ng paghinga. Paano ba naman kasi, ang bilis bilis talaga nitong tumakbo.


"Ano na? Kaya pa ba? Hahaha, my dwarf, huwag mo namang panindigan yung tawag ko sayo."


Nakagat ng mariin ni Night ang kaniyng pang ibabang labi. Nabubwisit na siya. Ang lakas ng tama ng nobyo niya. Ang lakas ng loob nitong asarin siya.

Habang tumatawa ang nobyo, palihim na dumampot ng bato si Night. Palihim din niya na itinaas ang kamay niya. Nilagyan niya ng pwersa at binalot sa apoy ang bato saka walang pag aalinlangan na binato ito sa nobyo niya..

Natahimik ang nobyo niya, napahawak ito sa braso nitong tinamaan ng batong nababalot ng apoy. Sunog ang damit nito, may lapnos ang balat nito sa balikat.

Nanlalaki ang matang tinitigan siya ng nobyo. "The hell? Pisikalan na ah! Salita lang yung sa akin yung sayo pananakit na. Abusado ka. Ipapakulong kita."


Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterWhere stories live. Discover now