STORY 13: Chain Message

2 0 0
                                    

STORY 13: CHAIN MESSAGE

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala sa harap. Pagbilang kong sampu, nakatago ka na.

Ako si Annabelle. Walong taong gulang. Walang awa akong pinatay ng aming kapitbahay. Tinanggalan ako ng mga mata at pinutulan ng dila. At hanggang ngayon ay hindi 'ko nakakamit ang hustisya.

Ipasa mo ito sa sampung tao kung ayaw mong maranasan ang nangyari sa akin. Sa pagsapit ng madaling araw, ako'y nasa ilalim na ng iyong kama at kukunin ko ang iyong mga mata at aking puputulin ang iyong dila.

Napataas ng isang kilay na napatingin si Zeph sa katabi nitong si Jeanna matapos siyang sendan ng isang chain message.

"2020 na, naniniwala ka pa rin dito?" Bulong ng dalaga sa kaibigan kasabay ng isang pabirong pag-irap. Hindi ito makapag-ingay dahil sa takot na baka mapagalitan sila ng kanilang guro.

Tinitigan lang siya nito at hindi kumibo kaya nagkibit balikat na lamang si Zeph at tinuon ang atensyon sa pakikinig.

"Just send it, Zeph. Send it to ten people, please."

Nagtataka ang mga tingin ng dalaga sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit tila nagagalit ito sa kaniya.

"I-send mo na lang!" Nanlilisik ang mga matang sigaw ni Jeanna sa katabi dahilan para mapatingin ang mga kaklase nila at guro sa kanila.

"Ms. Orenio, may problema ba?" Tanong ng kanilang guro.

Tila natauhan naman si Jeanna at nahihiyang napatungo. Nanatili namang nakakunot ang noo ni Zeph sa kaibigan. Hindi niya magawang tanungin ito sa takot na baka masigawan ulit siya nito.

At nang sumapit na ang uwian, hinintay ni Jeanna ang kaibigan para sabay silang umuwi. Nais niya sanang humingi ng pasensya sa inasal niya kanina. Hindi niya sinasadyang sigawan ang kaibigan at hindi niya alam kung anong masamang hangin ang umihip sa kaniya kanina at nagawa niyang sigawan ito.

"Ayos lang. Ikaw e, masyado ka naman kasing nagpapaniwala sa mga ganiyan. Hindi totoo ang mga iyan. Wala pa ngang namamatay dahil sa hindi lang nila pinasa sa sampung katao ang mga gan'yang messages, diba?" Tumatawang litanya ng kaniyang kaibigan.

Napabuntong hininga na lang si Jeanna at hindi na nga kinulit ang kaibigan. Gustuhin niya mang sundin ni Zeph ang sinasabi sa chain message ay ayaw naman nito.

Nasa sakayan na sila at dahil mas malayo ang tirahan nila Zeph ay sumakay na ito ng tricycle.

"Mag-iingat ka." Pahabol pa niya sa kaibigan. Nginitian naman siya nito at kumaway sa kaniya.

Umandar na ang tricycle na sinasakyan ni Zeph kaya naman naglakad na ulit si Jeanna pero tila natuyuan naman siya ng laway sa nakita. May batang babae sa bubong ng tricycle!

Mabilis siyang tumakbo at hinabol ang tricycle na sinasakyan nito pero isang nakakasilaw na liwanag ang nagpatigil sa kaniya at tumilapon na lamang ang kaawa-awang dalaga.

Katatapos lamang maglinis ng katawan ni Zeph at handa na siyang matulog pero dahil hindi pa siya makatulog ay naisipan niya munang mag facebook.

Kabubukas niya lang ng kaniyang account nang agad na bumungad sa kaniyang newsfeed ang duguang dalaga matapos masagaan at napahagulhol na lamang siya nang makilala kung sino ang nasa larawan, ito ay ang kaniyang kaibigan!

Hindi niya matanggap na wala na an matalik niyang kaibigan. Parang kanina lang ay hinatid pa siya nito sa sakayan. Panay ang iyak niya hanggang siya'y makatulog.

"Kasalanan mo ito! Hindi sana ako patay kung ipinasa mo iyon! Isusunod ka na niya! Kukunin ka na rin niya!"

Napabalikwas siya sa kaniyang higaan. Pawisan at hinahabol ang hininga. Napanaginipan niya ang kaniyang kaibigan. At maging sa panaginip niya ay binabanggit pa rin nito ang chain message na pinasa nito sa kaniya kanina.

Napatingin siya sa alaram clock na nasa tabi niya, 12:12. Hating gabi na. Iyong chain message!

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at agad na binuksan ang messenger. Pipindutin na sana niya ang 'forward' nang bigla siyang makaramdam ng malamig na ihip ng hangin.Tinignan niya ang bintana at sarado naman iyon.

Napalunok siya at nagsimula nang lumakad ang takot sa kaniyang katawan. Hanggang sa makarinig siya ng isang tinig na nagpatayo ng kaniyan balahibo.

Napahinga siya ng mabilis at nanginginig ang mga kamay. Naiiyak na rin siya sa takot.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan."

Tila nawalan siya ng dila at hindi makasigaw lalo na't naririnig niya ang munting tinig sa ilalim ng kama!

"Wala sa likod, wala sa harap. Pagbilang kong sampu, nakatago ka na."

Nangangatal na ang buo niyang katawan at dahan-dahan napatingin sa sahig. Kitang kita niya ang batang babae na gumagapang palabas ng ilalim ng kama niya!

Bago pa man tuluyang makatayo ang bata ay mabilis siyang napalundag sa kama at hindi pa man niya napipihit ang door knob nang maramdaman niya ang matigas na bagay na pumalo sa kaniyang ulo dahilan para siya ay bumagsak sa sahig.

Napasigaw na lamang siya nang bigla itong pumaibabaw sa kaniya.


Napabalikwas sa higaan si Zeph at pawis na pawis. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso.

"P-panaginip lang." Usal nito at mabilis na binuksan ang lamp shade.

Hinawakan niya ang ulo, walang dugo. Bangungot lang ang lahat.

Bahagya naman siyang nakahinga ng maluwag at hihiga na sana muli nang mapatingin siya sa alarm clock na nasa tabi niya, 12:12!

Namutla siya sa takot at may narinig na lamang siyang pamilyar na boses na nanggagaling sa ilalim ng kaniyang kama!

Horror CollectionsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora