STORY 1: Karinderya

7 0 0
                                    

STORY 1: KARINDERYA

Tahimik kong binabagtas ang madilim na daan at naghahanap ng makakainan.

Mahigit tatlong oras na rin akong nagma-maneho at pasado alas dyes na nga ng gabi.

Hindi naman kasi ako na-inform na aabutin kami ng gabi sa meeting namin. Wala pa tuloy akong kain.

Nawawalan na ako ng pag-asa na makakita ng makakainan dahil puro talahiban at puno lang ang nakikita ko hanggang sa may matanaw akong liwanag sa hindi kalayuan.

At napangiti na nga lang talaga ako nang malamang karinderya pala ito. May bukas pa palang karinderya sa ganitong oras? Pero mabuti na lang din dahil maiibsan na rin ang gutom ko.

Pinarada ko muna ang kotse ko sa tabi at bumaba na.

"Magandang gabi, hija." Malapad na ngumiti sakin ang ale.

Sinuklian ko rin ito ng ngiti. Nakaramdam naman ako ng pagka-ihi. Hindi pa nga pala ako nakakaihi mula pa kanina.

"Pwede ko ho bang magamit ang banyo ninyo?"

"Oo naman. Halika, sasamahan kita." Sumunod naman ako sa butihing ale.

Hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa paligid. Madilim at tanging ang karinderyang ito lang ang may ilaw. Nakakapagtaka rin dahil kanina pa ako nagma-maneho pero wala manlang akong napansin na kabahayan na malapit dito.

"Pag pasensyahan mo na ang banyo namin, ha?"

Nginitian ko lang ng tipid ang ale at pumasok na sa banyo. Nakakaramdam na rin ako ng kakaiba sa hindi ko malamang dahilan.

"Sandali lang ha? Maiwan muna kita."

"Sige lang ho." Isinantabi ko muna ang namumuo kong takot at naupo na sa inidoro.

Habang naihi ako, may naamoy akong hindi kaaya-aya kaya nakangiwi kong tinakpan ang aking ilong, pero sadyang masamyo ang amoy nito at nanunuot sa aking ilong.

Nagmamadali kong inayos ang sarili ko at lumabas na ng banyo.

Naglalakad na ako pabalik nang may mapansin akong kakaiba sa isang nakasaradong pinto. At mukhang dito rin nagmumula ang nakakasulasok na amoy.

Dala ng kuryosidad ay dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinangga-galingan ng amoy at marahang binuksan ang pinto.

Tila namuti ang aking buhok sa takot sa aking nakita. Pugot na ulo, nagkalat na dugo sa sahig at iba't iba pang parte ng katawan ng tao. At isang matangkad na lalaki na nakatalikod sa'kin at may hinihiwa itong katawan ng tao!

Naiyak na lang ako nang may maramdaman akong nakatayo sa likuran ko at tuluyan na nga akong napatili nang magsalita ang ale.

"Nagugutom ka na ba, hija?"




Horror CollectionsWhere stories live. Discover now