STORY 6: Camera

2 0 0
                                    

STORY 6: CAMERA

Kabababa lang namin ng aming sinakyang bus at nagka-gulo agad ang mga kapwa ko mag-aaral. Akala mo'y ngayon lang nakalabas. Field trip kasi namin ngayon kaya tuwang tuwa ang lahat.

Nakangiti kong pinagma-masdan ang mga nagkakatuwaang mag-aaral nang akbayan ako ng isa sa aking mga kaibigan.

"Lyka, dala mo ba iyong camera mo?"

Tumango naman ako at nilabas ang camera ko na nasa bag ko, 'saka ko ito inabot kay Raya.

"Iyon! Halika, picture-picture tayo." Hindi pa ako nakaka-sagot nang hilain na ako nito.

Nagkatuwaan naman kami sa pagkuha ng mga litrato. Marami kaming kuhang magkakaibigan.

Sa sobrang aliw namin sa pagkuha ng mga litrato ay hindi namin napansin na tapos na pala ang oras namin at lilipat naman kami sa ibang destinasyon.

"Ano ba 'yan, ang bilis naman." Pagmamaktol ni Raya at binalik na sa'kin ang camera ko.

Tinawag na kami ng aming guro at sumunod na pero si Raya ay nagpaalam na magc-cr lang.

Hihintayin pa sana namin ito pero pinagalitan kami ng aming guro kaya wala kaming nagawa kundi ang sumunod na lang.

Naka-sakay na kami sa bus at hinihintay na lang ang ibang mga estudyante, kasama na roon si Raya.

Habang naghihintay ay kinuha ko ang aking camera at tinignan ang mga kuha namin kanina.

Namutla na lamang ako at nanuyo ang aking lalamunan dahil sa lahat ng mga litrato namin, walang ulo si Raya!

Nabitawan ko ang aking camera nang marinig ang sigawan ng mga estudyante at mga guro na nasa loob ng bus.

At napasigaw na lang din ako nang tumalsik sa bintanang sinasandalan ko ang mata ni Raya matapos masagasaan ng ten wheeler truck!




Horror CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon