STORY 3: Payaso

4 0 0
                                    

STORY 3: PAYASO

Malalim na ang gabi pero naisipan pang magyaya ng aking kapatid na mag stroll sa ganitong oras. At dahil matagal na rin ang huli naming pagkikita ay pumayag na rin ako. Ito na ang nag presintang magma-maneho.

Habang siya ay nagma-maneho, panay ang kwento nito hanggang sa mai-kwento nito ang kinatatakutan namin noong bata pa kami, ang payaso.

Ang kwento kasi sa amin ng aming lola, may isa raw payaso na naligaw sa gitna ng gubat at sa tuwing may mapapadpad sa gubat na iyon, ay kaniya itong walang awang pinagpa-papatay.

Pinupugutan daw nito ng ulo at tatanggalan ng bituka saka ito pagbu-buhul-buhulin na parang lobo.

Mahilig kami sa mga nakakatakot na kwento pero itong tungkol sa payaso na ito ang pinaka kinatatakutan naming dalawa ng aking kapatid.

Masyadong madilim na ang lugar na dinadaanan namin at para bang naligaw kaming bigla ng aking kapatid.

"Relax ka lang, ate. Madilim lang kaya hindi ko matanaw ang daan." Ang pagpapakalma sa'kin ng kapatid ko nang mapansin niya ang pagka-kaba ko.

Pero imbis na mawala ang aking kaba ay nadagdagan lamang ito nang biglang huminto ang aming kotse.

"Nasiraan ba tayo?" Nahihintakutan kong tanong.

"Wait, iche-check ko muna ang gulong natin." Bababa na sana ito ng kotse nang pigilan ko ito.

"Sasama ako, Roy."

"Saglit lang 'to." Muli ko naman itong pinigilan.

"Nasa gitna ba tayo ng kagubatan?"

Natawa naman ito sa naging tanong ko.

"Ate, 'wag kang matakot. Kung natatakot ka dahil sa payasong naligaw sa gubat, hindi totoo iyon. At kung totoo man, malabong mapadpad tayo sa gubat dahil nasa siyudad na tayo." Tuluyan na nga itong bumaba ng kotse kaya naiwan naman ako sa loob pero binabantayan ko ng tingin ang aking kapatid.

Nakarinig ako ng sumisipol sa hindi kalayuan at hindi ko maiwasang makaramdam ng takot dahil kakaiba ang tunog ng pagsipol nito, nakaka-tindig balahibo.

"R-Roy, pumasok ka na rito." Tawag ko sa aking kapatid habang nililibot ang paningin.

Sa hindi kalayuan, nakita ko ang isang pigura ng tao. Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang itsura nito, isang nakakatakot na payaso! At nakangiti ito sa akin!

"ROY!"

Wala akong narinig na tugon ng aking kapatid hanggang sa may narinig akong kalabog sa likod ng kotse.

Napatili na lang ako sa takot at tinakpan ang aking tenga.

"TAMA NA!"

Narinig ko naman ang malakas at nakakaasar na tawa ng aking kapatid kaya dahan-dahan kong inalis ang pagkakatakip ko sa aking tenga.

"It's a prank! Masyado ka kasing nagka-kape, 'yan tuloy masyado kang nerbyosin!" Hindi pa rin ito magkanda-mayaw sa katatawa at nakatayo sa harap ng kotse.

Pero imbis na matawa sa kalokohan niya, nanginginig at naluluha naman akong nakatingin sa likuran niya. Totoo iyong payaso at nakatayo ito hindi kalayuan sa kaniya. Nakangiti itong malapad at muling sumipol.

Natauhan naman ang kapatid ko at dahan-dahang lumingon pero huli na dahil lumipad na lang ang ulo nito dahilan para mapatili ako at dali-daling ni-lock ang pintuan.

Hinanap ko naman ang susi ng kotse. Napasigaw ako sa gulat nang may kumatok sa bintana, ang nakangiting payaso at napaiyak na lang ako nang makita ang hawak nito.

Nasa kaliwang kamay nito ang ulo ng kapatid ko at sa kanan nito ang susi ng kotse ko.


Horror CollectionsWhere stories live. Discover now