STORY 7: Secret Admirer

2 0 0
                                    

STORY 7: SECRET ADMIRER

Ilang linggo nang may natatanggap na liham ang aking ka-roommate na si Patricia at sa araw-araw na natatanggap nitong sulat mula sa secret admirer niya ay nagdudulot ng kilig ito sa aking kaibigan.

Pero sa una lang pala ang kilig nito dahil simula nang maging magkaibigan sila ni Jp ay nawala na ang interes nito sa kaniyang secret admirer.

Hindi na rin niya kinilala pa kung sino ang misteryosong nagbibigay sa kaniya ng liham na hanggang ngayon ay sumusulat pa rin sa kaniya kahit na hindi na niya ito binibigyang pansin. Minsan nga'y nakikita ko na lang ang mga ito na nasa basurahan ng aming kwarto.

Kasalukuyan ako ngayong nags-scroll down sa facebook nang mapakunot noo ako nang makita ang larawang nasa newsfeed ko. Naka-akbay ang lalaki sa babae at kapwa matatamis ang ngiti sa camera, may caption pa na; "It's official."

"Kayo na ni Jp?" May pagtataka kong tanong kay Patricia na ngayon ay nakangiti sa kaniyang cellphone at napatingin sa'kin.

Dahan-dahan naman itong tumango.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

"Gusto sana naming i-private ang relationship namin."

"Private pero naka-post sa facebook?"

Napaiwas naman ito ng tingin at hindi na nakaimik pa.

Hindi ko tuloy maiwasang magtampo sa sinabi niya. Matagal na rin kasi kaming magkaibigan pero hindi niya manlang ako sinabihan sa relasyon nila ni Jp.

Tahimik na sa aming kwarto nang may marinig kaming sunud-sunod at malakas na katok sa pintuan dahilan para mapabalikwas kami.

Hindi ito tumitigil sa pagkatok kaya tumayo na si Patricia para pagbuksan ito.

"James? Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ni Patricia.

"Bakit si Jp pa? E, ako itong matagal nang nanliligaw sa'yo diba?"

Napatayo ako nang sigawan ng lalaki ang kaibigan ko. Sa itsura rin nito ay naka-inom ata ito.

Mababakas naman ang takot ni Patricia nang sigawan siya ng lalaki. Nanlilisik din ang mga mata nito sa kaniya kaya hinila ko na ito at hinarap ang lalaki.

"Sino ka para sigawan ang kaibigan ko?"

"Tanga ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Matagal na akong manliligaw sa kaniya pero malaman-laman ko lang na may sinagot na siyang iba. Akala ko ako lang pero ginawa niya lang akong tanga."

Hindi ko na natiis ang mga sinabi niya kaya nanlilisik ang mga mata kong tinitigan ito.

"Umuwi ka na." May diin kong sabi at sinara na ang pinto. Ni-lock ko na rin ito at nilingon si Krystal na kanina pa tahimik.

"Ayos ka lang?" May pag-aalala kong tanong sa kaniya pero hindi pa ito nakakasagot nang maiyak na ito kaya nilapitan ito at niyakap.

"Natatakot ako, Sue. Hindi ko inaasahan na magiging ganon ang reaksyon ni James. At nadamay ka pa dahil sa'kin. I'm sorry." Umiiyak nitong pakiusap.

"Shh, wala kang dapat na ika-takot. Nandito lang ako. At kalimutan mo na lang ang mga nangyari ngayon." Pag-alo ko sa kaniya na tinanguan naman niya.

Habang yakap siya ay napadako ang tingin ko sa aming basurahan at muli ko na namang nakita dito ang mga sulat na binibigay ng secret admirer ni Krystal. May bago na naman palang sulat na tinapon.

Madilim na ang buong building pero ito ako't palabas pa lamang ng school namin. May mga guard na naglilibot at sa takot na mahuli ako ay patago akong lumabas ng gate ng school.

Nakahinga na lang ako ng maluwag nang hindi ako napansin ng mga guard at hindi na rin ako pinansin pa ng landlady nang papasok na ako sa dorm.

Kapansin-pansin din ang mga nagkakagulong mga tao sa loob ng dormitoryo namin. Lahat ay hindi magkanda-ugaga. Lahat ay nasa labas ng kanilang mga kwarto.

At natigilan na lang ako nang marinig ko ang usapan ng dalawang babae na hindi kalayuan sa'kin.

"May patay daw na natagpuan sa gymnasium. Walang awa raw itong pinaslang."

"Ha? Grabe nakakatakot na talaga ang nangyayari sa mundo. Pero teka, sino raw 'yung biktima?"

"Si Bricks Sandoval daw, 'te."

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig at naramdaman ko na lang ang panlalamig ng buo kong katawan.

"Sino naman kaya ang gumawa non sa kaniya? Kawawa naman si Bricks. Kabago-bago pa lang ng relasyon nila ni Krystal, e."

"Ang main suspect daw ay 'yung lalaking pumasok dito kagabi. Lasing pa nga raw ito kagabi nang pumunta rito at galit na galit daw kay Krystal. Pinaghahanap na siya ngayon ng mga pulis."

"Hay naku! Sayang naman 'yung ka-gwapuhan ni James at mamamatay tao lang naman pala. Pero baka naman 'yung secret admirer ni girl 'yon. Kasi bali-balitang nagiging threat na ito kay Krystal, e."

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi ng pangalawang babae.

"Gaga ka, si James nga. Hanggang ngayon nga hindi pa rin siya makita, e. Nagtatago na 'yon, panigurado. At isa pa, kawawa naman 'yung secret admirer ni Krystal. Napaka t'yaga rin non at super sweet pa. Hays, ang haba ng hair ni girl. Kainggit."

"Oh gaga. Gusto mo atang magpatayan mga lalaki sa'yo. Aba, konsesya mo lang." Nagtawanan ang dalawan babae kaya naiiling na lang ako nagtungo na sa kwarto namin.

Pagkabukas ko pa lang ng aming kwarto ay kadiliman na agad ang bumungad sa'kin at naaamoy ko na rin ang malansang amoy pero binalewala ko lang ito.

Natalisod naman ako nang may maapakan akong matigas at malaking bagay. Naramdaman ko rin ang malapot sa paanan ko kaya napangiwi na lang ako at binuksan ang ilaw.

"Ano ba 'yan. Nakalimutan pala kitang ilipat sa banyo. Ay, alam mo bang pinaghahanap ka na ng mga pulis, James?" Nakangiti kong kausap sa lalaking walang paa't kamay na nakahiga sa sahig.

Binaling ko naman ang tingin ko sa babaeng nakahiga sa aking kama. Nakangiti ko itong nilapitan at hinaplos ang mukha pero masyadong magaspang na ito. Sabagay, tinanggalan ko nga pala ito ng balat sa mukha.

"Napaka ganda mo pa rin talaga, Krystal. Pero masyado kang mapaglaro sa pag-ibig kaya ito tuloy ang napala mo." Naiiling akong tumayo at naupo naman sa aking upuan, paharap sa aking study table.

Kinuha ko ang aking paboritong papel at ballpen. Sinulyapan ko sa huling pagkakataon si Krystal at matamis na napangiti.

"Hindi mo na ito maitatapon pa. Maganda na ang laman nito. Pangako."












Horror CollectionsWhere stories live. Discover now