STORY 2: Friend Request

7 0 0
                                    

STORY 2: FRIEND REQUEST

Ako nga pala si Sydney, at nasa ospital ako ngayon, dinadalaw ko 'yung kaibigan kong naka confine. Nabulag siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Gusto niyo malaman ang kwento? Mabuting 'wag mo na lang basahin ang mga susunod kong sasabihin.

Nangyari ito nang mag-isang naiwan sa bahay ang kaibigan ko, dahil umalis ang kaniyang tatay at pumunta raw sa kanilang malayong kamag-anak, sila na lang dalawa ng tatay niya ang nakatira sa bahay dahil iniwan na siya ng nanay niya bata pa lang siya.

Hating gabi na pero hindi pa inaantok ang kaibigan ko kaya't nag facebook muna siya. 'Pag ka login ay napansin niyang meron siyang isang friend request, chineck niya muna ang profile nito, pero wala siyang nakitang pictures, tanging logo lang ng facebook ang kaniyang profile picture. Natuwa siya sa apelyido nito dahil weird, kaya't inaccept niya na lang ito.

Mga ilang mintuo ay nag message sa kanya ito, at sinabing "Thanks for the accept," sakto at naka online pa ito kaya't naisipan ng kaibigan ko na kausapin 'yon, tutal hindi pa naman siya inaantok.

Sumagot ang kaibigan ko ng "Welcome" naisipan din ng kaibigan ko na itanong apelyido nito.

"Totoong surname mo ba 'yang "Navara"? Sorry ah, nagtatanong lang hehe."

Sumagot naman ito, "Ah oo. Walang katulad, ano?"

Sumunod non ay nagtanungan na sila kung anong edad, at kung taga-saan sila. Nagkasundo naman sila sa kanilang mga napag-uusapan. Hindi namalayan ng kaibigan ko na halos tatlong oras na niyang kausap si Navara kaya't naisipan niya nang ipagpabukas na lang ang pag-uusap nila at mukhang tinamaan na rin siya ng antok.

"Ay inaantok na ako. Bukas na lang ulit. Matutulog na ako. Tulog ka na rin."

Sumagot naman ito pero nagtaka ang kaibigan ko sa sagot ni Navara.

"Ay sayang, papunta na ako sainyo e, 'Wag ka munang matulog."

"Ha? Pupunta ka ngayon? Madaling araw na kaya."

Maya-maya ay sumagot kaagad ito,

"Nandito na ako sa harap ng bahay niyo."

Nagulat naman ang kaibigan ko sa sinabi ni Navara.

"Ha? Paanong nangyari 'yon? Hindi mo naman alam ang address ng bahay namin." Natatawa lang ang kaibigan ko habang binabasa ang sinasabi ni Navara, pero sumagot ulit ito.

"Nandito na ako sa loob ng bahay niyo." Sinasakyan lang ng kaibigan ko si Navara.

"Oo na, oo na. Funny ka talaga. Bukas na lang, Navara ha?" Maglo-logout na sana ang kaibigan ko nang biglang sinabi ni Navara na..

"Teka, laro muna tayo." Hindi na sana papansinin ng kaibigan ko ang sinabi ni Navara, pero nagsimula na ring matakot ang kaibigan ko sa mga sumunod na nabasa niya.

"Nasa likod na ako." Napatulala na lang ang kaibigan ko sa screen sa sumunod na sinabi ni Navara.

"Laro tayo ng.. "wag kang lilingon".. hangga't hindi kita nahahawakan sa balikat, 'wag kang lilingon sa likod mo, okay?" Nagsimula nang kabahan ang kaibigan ko.

Lilingon na sana siya sa kaniyang likuran nang may narinig siyang naglalakad sa kanyang likuran at mukhang dahan-dahan itong patungo sa kaniya.. natatakot na ang kaibigan ko dahil siya lang mag-isa sa mga oras na 'yon, kaya't imposibleng magkaroon ng tao sa bahay. Naka-lock din ang mga pintuan at bintana kaya't imposible ring may makapasok ng basta-basta sa loob.

Rinig na rinig ng kaibigan ko ang yabag at lakad ng mga paa sa kaniyang likuran. Takot na takot na siya. Nararamdaman niyang sobrang lapit na nito sa kaniya. Pero paglingon niya'y wala siyang nakita. Takang taka ang kaibigan ko dahil walang katao-tao sa loob ng kwarto niya.

Medyo nawala ang kaba niya. Napatingin siya sa monitor at nagulat sa nabasa niya sa sinabi ni Navara..

"SABI KO 'WAG KANG LILINGON!!" Sabay may bigla na lang tumusok na matulis na bagay sa mga mata ng kaibigan ko.

Hindi niya alam kung saan galing 'yon. Nagdugo ang kaniyang mga mata at napasigaw na lang sa takot.

Nang mga oras na iyon ay hindi pa tuluyang nabubulag ang kaniyNg mata, may nakikita pa kahit papaano ang kaniyang kaliwang mata.

Nailibot pa niya ang tingin sa kwarto at may nakitang nakatayong tao sa harap ng computer, na nangingisay. Halos pula na ang balat nito sa sobrang daming dugo, hindi niya matukoy kung babae ba ito o lalaki dahil hanggang baywang lang nakita niya.

Mabuti't kinaumagahan ay nakauwi na ng bahay ang tatay niya at naidala kaagad siya sa ospital. 'Yan ang kwento ng kaibigan ko sa tatay niya nung nagkamalay siya.

Edi alam niyo na kung bakit? Oh s'ya paano, salamat sa pakikinig sa akin, ako nga pala ulit si SYDNEY NAVARA. Add ko na lang kayo, paaccept na lang ha?


Horror CollectionsWhere stories live. Discover now