STORY 5: Kuya

4 0 0
                                    

STORY 5: KUYA

Kasagsagan ng ulan nang maka-tanggap ako ng text sa aking ka-roommate. Kaya naman kahit inaantok na ay binasa ko ang message nito.

From : Khrista
9:28 PM

Hindi nga pala ako makakauwi ngayon. Masyadong malakas ang ulan. Dito muna ako sa kaklase ko matutulog. Ingat ka d'yan. 'Wag mong kalimutang isara ang pinto pati 'yung pinto sa likod ha?

Inaantok na ako at tinatamad din akong mag reply kaya tinabi ko na lang ang phone ko sa ulunan ko at hindi pa ako nakaka-pikit ng aking mga mata nang mag ring ang phone ko.

"Oo, I received your text." Bungad ko kay Khrista kahit na wala pa itong sinasabi.

"Edi good. Hindi ka kasi nag reply, gaga. Oo nga pala, tumawag ang kuya ko. Nasa Manila pala siya ngayon at nakikiusap kung pwede raw ba siyang maki-tulog d'yan sa apartment kahit ngayong gabi lang. Hindi kasi siya makakauwi sa amin ngayon, e. Delikado rin kasi 'yung panahon."

"Sige, wala rin naman akong kasama ngayon. I-text mo na lang sa'kin kapag papunta na ang kuya mo. Hihintayin ko ha?"

"Oo na kahit hindi ka naman nagre-reply. Thank you, sis! Hoy 'yung mga pinto. Wala ako ngayon kaya ikaw lang ang magsasara n'yan. Baka tamarin ka pa. Safety mo ang usapan d'yan, sige ka."

"Oo na po, oo na. Matulog ka na nga." Nagpaalam na rin ito kaya muling nanumbalik ang katahimikan sa kwarto. Tanging ang malakas na ihip ng hangin at buhos ng ulan ang iyong maririnig.

Masyadong madilim kaya naman binusak ko ang lamp shade na nasa tabi ko.

Napayakap naman ako sa aking sarili sa lamig. Tumayo ako at sinara ang bintana na malapit lamang sa tabi ko, nakalimutan ko nga palang isara ito kanina.

Napatingin ako sa pintuan sa likod, sira ang doorknob nito kaya kina-kailangan mo pa itong i-check kung naka-lock. Bahagya ko itong pinihit at sarado naman na kaya pahiga na ako sa aking kama nang may sunud-sunod na katok mula sa pintuan.

Napalundag ako sa gulat. Ganitong ang dilim sa labas at ang lakas ng ulan, tapos may biglang kakatok ng ganitong oras? Jusko, papanawan ata ako ng ulirat. Napahawak na laman. ako sa aking dibdib sa takot.

Muli namang kumatok ang nasa labas. Ah, baka ito na 'yung kuya ni Khrista. Sabi ko i-message ako kapag papunta na, e. Hindi ko pa nga pala nakikita ang kapatid nito dahil sa probinsya raw ito nakatira.

Pinagbuksan ko naman ito ng pintuan at basang-basa ito pero bago ko ito papasukin ay tinanong ko muna ito.

"Ikaw ba ang kuya ni Khrista?" Mahinahon kong tanong dito. Napansin ko naman ang panginginig nito dahil sa lamig.

Kumunot ang noo nito saka tumango.

"Ah oo, pasensya na kung naabala pa kita. Kailangan ko lang talaga ng matutulugan." Nahiya naman ako dahil nagawa ko pa itong tanungin gayong basang-basa na 'to ng ulan.

Pinapasok ko naman ito at inabutan ng tuyong damit at towel.

"Salamat." Nginitian ko lang ito bilang tugon.

"Kung magbibihis kayo, nandon po ang banyo." Tinuro ko ang banyo na nasa kanang parte ng kwarto.

Nakangiti naman itong tumango at nagpaalam na magbi-bihis lang.

Ramdam ko na talaga ang pagka-antok kaya kinatok ko ang kuya ni Khrista na nasa banyo.

"Kuya, matutulog na ako. Hindi ko na kaya ang antok, e. 'Wag kayong mahiyang mag feel at home."

Hindi ito sumagot kaya nagkibit-balikat na lang ako at nahiga na sa aking kama. Umilaw pa ang phone ko pero hindi ko na lamang ito pinansin dala ng antok.

Malalim na ang pagtulog ko nang magising ako sa lakas ng kidlat. Napatingin ako sa paligid, napaka dilim hanggang sa napadako ang aking tingin kay kuya na nakaupo sa sofa at nakatitig sa'kin.

Nakaramdam ako ng kaba sa paraan ng pagkakatitig niya. Idagdag mo pa ang malakas na buhos ng ulan at ang sunud-sunod na pag kidlat.

Tumayo ito at dahan-dahang naglakad palapit sa'kin. Gusto kong sumigaw sa takot pero hindi ko magawa. Kakaiba ang titig nito sa akin dahilan para manginig ako sa takot at mapa-yakap sa aking unan.

Nang tuluyan na itong makalapit sa'kin ay titili na sana ako nang agad nitong takpan ang bibig at 'saka bumulong na nakapag-patayo ng aking mga balahibo.

"Huwag kang maingay. May lalaking may dalang kutsilyo na nakatayo sa may likod ng kurtina." Dahan-dahan akong tumingin sa may bintana at nanlaki ang aking mga mata nang may makitang lalaking basang basa at nagtatago sa likod ng kurtina.

"Huwag ka ring magpahalata. Maghanda ka at tatakbo tayo palabas." Muling bulong ni kuya at marahan naman akong tumango. Pasimple ko ring kinuha ang phone ko sa aking ulunan.

Dahan-dahang kumilos si kuya at binuksan ang pintuan sa likod at nang bukas na ito ay mabilis akong tumakbo palabas. Sa likod ko ay si kuya na mabilis ding tumakbo.

Nang makalayo na kami sa apartment ay kapwa kaming naghabol ng hininga.

"Paano nakapasok ang lalaki na 'yon, kuya?" Hinihingal kong tanong. "Sigurado naman kasi akong sarado ang mga pintuan kanina." Dagdag ko pa.

Dahan-dahang nag-angat ng ulo si kuya, nakangiti na ito sa'kin at may kinuha sa kaniyang bulsa. Hindi pa ako nakakapagsalita nang itarak nito ang kutsilyo sa aking leeg.

At bago pa man dumilim ang aking paningin ay nakita ko pa ang isa pang lalaki na katabi ni kuya na kapwa may nakakalokong ngiti sa akin.
-
5 unread messages

From : Khrista
9:35 PM

Gising pa u? Hindi tuloy si kuya q.

From : Khrista
9:37 PM

Gising ka pa naman diba? 'Wag mo na palang hintayin si kuya. Sa kaibigan niya na lang daw siya makiki-tulog. Nahiya siya sa'yo kasi babae ka nga naman daw.

From : Khrista
9:38 PM

Hoy! 'Wag ka ngang tamad mag reply. Kinakabahan ako sa'yo. Baka mamaya may iba ka nang pina-pasok d'yan sa kwarto.

From : Khrista
9:42 PM

HOY TULOG KA NA BA? GUMISING KA MUNA! KINAKABAHAN AKO BAKA HULI NA AKO GAGA KA!

From: Khrista
9:55 PM

Hindi talaga ako maka-tulog. Kinakabahan ako sayo, e. Pupuntahan na kita d'yan.










Horror CollectionsDär berättelser lever. Upptäck nu