"Teka lang, bakit ka ba parang nagagalit diyaan. Inaano bakita? Ako nga dapat ang magalit e. Bigla bigla nalang ninyo akong hinila at pinunta dito ng hindi manlang kinukuha ang permiso ko."


Hindi makapaniwalang tiningnan siya ng ina ng diyosa. Hindi niya alam kung saan kinukuha ng dalaga ang kakapalan ng mukha niya. Ibang klase.

Napailing iling ang diyosa. Akmang sasakalin niya ang dalaga ng bigla nalang itong naglaho at napunta sa likod ng ina ng diyosa. Saktong pagharap ng ina ng diyosa, ay siya namang paggamit ng dalaga sa itim na mahika na itinuro ng kuya niya sa kaniya.

"Bye" may ngiti sa labi na paalam ng dalaga. Hindi pa man siya tuluyang lumalaho, rinig na rinig pa niya ang galit na sigaw ng ina ng diyosa.


"NIGHTMARE!!!!!!"

Napailing iling ang dalaga. Wala na ba talagang ibang alam na isigaw ang nga ito kundi ang pangalan niya? Yun nalang ba yun? Tsk. Boring.

Napakurap kurap ang dalaga ng pagmulat niya ng nga mata niya nasa sikid na siya ng butihin niyang kaibigan na si Justine. Napakamot nalang siya sa kaniyang batok. Paano ba naman kasi, hanggag ngayon ay hindi padin niya napeperpekto ang itinuro sakaniyang magic trick ng kuya niya.

Kailan niya kaya yun mapeperpekto? Hayst, ewan. Sige na nga lang, pupuntahan na labg niy aang kaibigan.

Nadatnan niya itong mahimbing na natutulog sa kama nito. Napailing iling nalang siya ng ang kumot nito ay nasa sahig na habang pabaliktad na nakahiga sa kama nito. Mas malikot pa palang natulog sa kaniya

Sinubukan niya itong gisingin pero hindi umepekto kaya naman ang ginawa niya ay, itinaas niya ang isa niyang paa saka buong pwersa na sinipa ang kaibigan. Nalaglag ito sa kama.

Inis na napabangon ang binata. Kinusot kusot nito ang mga mata nito. Iniisip kung paano siya napadpad sa lapag gayung ang sarap ng tulog niya sa malambot niyang kama.

Pagkamulat niya ng mga mata niya, nanlaki ang nga mata niya. Nanginginig ang mga kamay niya na itinuro ang dalaga na nakangising nakatingin sa kaniya.


"MULTO!!!! MOMMY!!! MULTO! HELP ME! MAY MULTO! MOMMY!!!!"

Nagsisigaw ito na parang isang baliw. Sino ba naman kasi ang hindi mababaliw kung ang kaibigan mo na mag iisang buwan ng nakahilata sa hospital bed na idiniklara pa ng doctor na comatose ay bigla nalang nasa silid mo na. Nakangisi pang nakatingin sayo na wari ay tuwang tuwa sa nakikitang reaksyon mo.

"HUWAG KANG LALAPIT! SUBUKAN MO LANG LUMAPIT SASAPAKIN KITA! SERYOSO AKO! ALIS! LAYO! HUHUHU LAYUAN MO AKO! FINLIGH!!!!! NASAAN KA BA!??? MAY MULTO! TULUNGAN MO AKO. TULUNGAN MO AKO!!!"

Nagsusumigaw man siya, wala namang may ibang nakarinig maliban sa kanilang dalawa lang. Maagang umuwi ang prinsipe Finligh dahil sa royal duties nito. Naiintindihan naman yun ni Justine pero ng makita niya ang multo niyang kaibigan, nakalimut siya na umalis pala bg maaga ang boyfriend niya kaya galit na galit niyang isinisigaw ang pangalan nito habang hinahanap ito.

Dahil natatawa at natutuwa ang dalaga sa takot na ekspresyon at reaksyon ng kaibigan, mas lalo pa niya itong tinakot. Kaligayahan talaga niya ang kamiserablehan ng iba.

"WOOOHHOOOO, JUSTINE, JUSTINE, JUSTINE, MAHAL MO BA SI FINLIGH?"

Wala lang, trip niya lang itanong yan. Wala na siyang may maintanong na iba pa e.

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon