Chapter 44

19 2 0
                                    

Chapter 44

Ngumisi si Mejandro, ama nina Xuin, Xinn at Xumi, habang nakataas ang mga braso na animo'y naghihintay ng yakap.

"My little Xinn-Xinn didn't miss me?" Sambit nito sa malambing na boses.

Ngumiti naman ng matamis si Xinn ngunit nang magsalita ay unti-unti rin 'yong nawala. "What the fuck are doing in here?"

Hindi pinansin ni Mejandro ang tanong niya. "I have a surprise for you, too." Sinenyasan nito ang mga kasama sa likod.

Nanlaki ang mga mata ni Dark nang makita ang ginawa nila. "Trex! Fuck it," Galit siyang tumingin sa ama ni Xinn. "What have you fucking done?!"

Habang si Xinn ay tahimik lang habang nakatitig kay Trex na bugbog sarado at nakatali pa. Putok ang labi, dumudugo ang sugat sa pisngi. May pasa rin ang leeg nito na para bang sinakal ito ng mariin.

"You visited me..." Panimula ng anak niya. "...just to give this lame surprise of yours?"

"Xinn, I know how important this person is to you," Ngumisi ito na para bang nang-aasar. "So, I visited him first."

"Kare o tebanasu." Utos ni Xinn.

"Tch, you're no fun."

Nang makawala si Trex ay agad siyang tumakbo palapit sa tatlo. Inalalayan agad siya ni Light habang si Xinn ay nakatitig lang sa mga sugat niya.

"One, two," Pabulong na nagbilang si Ize habang titig na titig kay Trex. "..three, four..." Nanahimik ito bigla. "Mm... 24 wounds."

Biglang tumalim ang tingin nito nang bumaling sa ama. 'Saka niya inilabas ang patalim galing sa bulsa.

"Oh, you wanna attack me?" Sarkastikong natawa si Mejandro at humalukipkip. "Come on, then. Stab me like what I've done to you before."

Akmang aatake na si Xinn sa kaniya nang muli itong magsalita.

"...stab your own papa."

Napatigil si Xinn at napatitig sa sahig. Mahigpit ang hawak niya sa kaniyang patalim, nanginginig 'yon dahil sa pagpipigil ng galit.

"Xinn.." Nag-aalalang lumapit si Light.

"P-Papa?" Natawa si Xinn, nagngingitngit ang kaniyang mga ngipin dahil sa matinding galit. "Ang lakas naman yata ng loob mong sabihing ama pa rin kita.." Nangilid ang luha niya. Lalong uminit ang pakiramdam niya nang bumalik ang mga alaala ng pananakit sa kaniya ng sarili niyang ama. "...p-pagkatapos mong patayin si mama..pagkatapos mong sirain ang pamilya ko, sasabihin mong ama kita?!"

Nagtiim bagang si Mejandro habang nakatitig sa anak niyang nagngingitngit sa galit.

Nagsiagos ang mga luha ni Rekishin. "Tangina mo, kung gano'n."

Sa isang iglap ay magkalapit na sila, parehong nagngingitngitan ang patalim at espada. Ang isa ay puno ng galit ang mga mata, ang kabila ay walang emosyon habang nakatitig sa kaharap niya.

"Why can't you understand? I'm doing this for you."

"By killing your own family? Our family?!"

"I need to and I want to kill you because I don't want to have a cursed daughter like you!"

Nagtiim bagang si Light nang marinig 'yon ngunit hindi siya nagsalita. Alam niyang ayaw ni Xinn na makisawsaw ang sino man sa pag-uusap nilang mag-ama.

"You wanted...to k-kill me.." Natawa siya ng mahina. Tumawa siya ngunit walang halong tuwa, puro lungkot at sakit tulad ng nakasalamin sa mga mata niya.

Living For RevengeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt