Chapter 43

26 2 0
                                    

Chapter 43

Trex's PoV:

Kamusta na kaya sina Raize doon sa baba? Hay. Nag-aalala tuloy ako, baka negative ang maging reaction ng mga kaibigan niya kapag nalaman na nila ang totoo.

Hay! 'Di bale na nga! Nagpatuloy ako sa pagluluto ng pananghalian, sa kabilang kawali naman ay piniproto ko ang kikiam na request ni Boss.

Sarap na sarap sa kikiam 'yon. Parang 'di mayaman.

"Galing makautos, hmp." Umirap ako sa hangin. "Pagalitan ko nga siya mamay---"

"Trex,"

"---ay, shit ka! I love you, kapatid ko!" Nginitian ko siya kaagad. Nakasuit sila ngayon, ah. "Love you, Raize. Mwah." Tinaas-baba ko ang mga kilay ko bago ngumuso. "Gusto mo kiss? Halika, Dali. Mwah, mwah, mwah."

"Tss." Sinilip niya ang niluluto ko. "Smells good."

"Syempre, masarap 'yan!"

"Sabi ko, mabango. Hindi ko sinabing masarap." Dumeretso siya sa dining room kaya sinundan siya ng iba pa.

Ngumuso ako bago hinalo-halo ang niluluto ko. "Masarap naman talaga 'to, hmp. Pati nagluto, masarap. Yii." Kinilig ako sa sarili kong banat.

Bumalik si Boss para at inilock ang backdoor rito sa kusina. Matapos no'n ay humarap siya sa akin. "Xuin."

'Yon lamang ang binanggit niya ngunit grabe na ang pagsisitaasan ng mga balahibo ko. "B-Bakit mo siya binanggit?"

"He's here."

Kinwento niya sa akin ang tungkol s pagdating ni Xuin no'ng nakaraan pa. Pero ngayon, ang ibig sabihin niya sa 'he's here' ay narito siya mismo sa lugar namin.

"Anong ibig mong sabihin? Dito sa lugar natin, 'di ba?" Paniniguro ko.

Napabuntong-hininga siya bago itinuro ang pintuan gamit ang hinlalaki niya. "He is here." Mas mariin niyang ulit.

Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko, halos lumuwa na 'yon palabas!

Dahil sa pagkataranta ay nahampas ko ang kamay niya na ikinasama ng tingin niya sa 'kin. "Tangi---ba't ka nananakit? Inaano ba kita?!"

"I-Ihh," Paulit-ulit kong nasulyapan ang pintuang itinuro niya dahil sa kaba. "'Wag ka ngang magbiro ng ganiyan!"

Hindi pa siya sumasagot nang biglang bumukas ang pintuan. Napatitig ako sa taong naroon.

"Oh," 'Tila hindi niya inaasahang makikita ako. "Hi." Ngumiti pa siya bago seryosong bumalik kay Raize. "Let's talk."

Napatingin naman sa akin si Raize. Pinigilan ko agad siya nang makitang susunod siya sa lalaking 'yon!

"Raize, ano ba?!" Pigil ko, pabulong na sumisigaw. "Bakit ka sasama sa kaniya? Baka anong gawin niya sa 'yo!"

"I won't do anything bad to her." Sagot ng katabi niya. "Who are you, by the way? You're too possessive. She's my sister, you know."

"But you wanted to kill her!" Agad ko siyang inatake ng sakal ngunit nahigit niya agad ang mga braso ko.

"I didn't." Inosente siyang ngumiti.

"Enough, kuya." Narinig namin ang seryosong boses ni Raize. Sabay kaming tumayo ng tuwid.

Living For RevengeМесто, где живут истории. Откройте их для себя