Chapter 15

27 6 0
                                    

Chapter 15

Lexine's PoV:

Panay ang bulungan sa paligid habang naglalakad ako. Galing ako sa principal's office at paglabas ko ay ganito na ang nangyayari sa paligid ko.

Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung anong oras na. Tss, alas-dos na pala. Grabe, ang tagal pala naming nag-usap ni Dean.

Nagugutom na 'ko kaya napagpasyahan kong dumeretso muna sa cafeteria. Wala masyadong estudyante sa loob ng canteen dahil oras pa lang ng klase.

Bumili lang ako ng sandwich at inutusan ang tindera na initin 'yon sa microwave. Ayoko kasi ng sandwich na hindi na mainit. Hindi masarap.

Medyo nagtataka ako dahil ngiting-ngiti sa akin ang dalawang tindera rito. Mabilis rin nila akong inaasikaso, hindi tulad noon na halos ayaw akong pagbentahan dahil inutusan sila ng ungas na si Yumi.

Mukhang bumabaliktad ang mundo, ah?

Matapos ng pagkain ay umalis na agad ako doon. May plano pa rin akong pumasok kahit na dalawang oras na lang ay uwian na. Late na late na ako pero wala akong pakialam. Napag-aralan ko naman na lahat ng dinidisscuss nila, eh. Nabasa ko na ang karamihan galing sa mga libro.

Nakasara ang pintuan ng room namin pagpunta ko roon. Kumunot ang noo ko dahil parang naka-lock pa 'yon. Hindi ko mapihit para bumukas!

Tss, ayaw niyo 'kong papasukin, ha?

Sakto namang may nakita akong sirang upuan sa tabi ng pinto. Kinuha ko 'yon ngunit bago ko gawin ang balak ay kumatok na muna ako.

Siguro ay halos limang malalakas na katok ang ginawa ko. Naghintay ako dahil baka sakaling buksan nila ang pinto ngunit walang nangyari.

Inuubos niyo ang pasensya ko.

Kinuha ko ang sirang upuan at ginamit 'yon para hampasin ng malakas ang doorknob. Isang hampas lang ay agad na 'yong bumigay.

Maayos kong iginilid ang sirang upuan na lalo pang nasira dahil sa ginawa ko. Sinipa ko ang pinto dahilan upang bumukas 'yon kaagad.

Napangiwi ako, mukhang napalakas ang pagkakahampas ko. Natanggal kasi talaga 'yong doorknob. Ang balak ko lang naman doon ay siraiin ng kaunti para bumukas. Kaso, natanggal.

Condomlence.

"Tsk, tsk, tsk," Pabulong kong asik, umiiling. "Napakamahal ng school na 'to tapos sa hampas lang masisira ang pinto?" Bulong ko pa, wala sa sarili.

"W-What-How dare you!"

Agaran akong nag-angat ng tingin nang makarinig ako ng sigaw. Sinalubong ko ang galit na tingin ni ma'am, advicer namin. 'Yong mismong nakasagutan ko kanina.

Bakit nandito 'to? Dapat, first period lang 'to, ah?

Pinagkunutan ko siya ng noo. "Bakit ka ho narito?"

"This is my room!"

"'Wag niyo ho akong sigawan." Nakangiwing sabi ko. "Tapos na subject niyo sa amin ngayong araw, 'di ba?"

"Kanina ka pa hindi gumagalang sa akin!" Muli ay sumigaw siya bago tuluyang naglakad palapit sa akin. "Bakit ka ba nandito?!"

"Dito ho ako nag-aaral. Dito ho ang room ko. Dito rin ho ang section ko." Pinakadiinan ko talaga 'yong salitang 'yon, namumuro na, eh.

Living For RevengeWhere stories live. Discover now