Chapter 26

24 4 2
                                    

Chapter 26

Lexine's PoV:

"White," Aniya na yumuko pa, gumagalang.

Tinanguan ko siya bago ipinagpatuloy ang papapatalim sa dala kong katana. Hindi ito 'yong ibinigay nina Darren. Hindi rin ito ang tunay na katana na iniregalo sa akin ng mga magulang ko. Simpleng katana lamang ito.

"What are you doing?" I heard him chuckle. "You're katana's already sharp, why are---"

"Dahil nababagot na 'ko rito," Inis ko siyang sininghalan. "Nasaan na ba sila? Nagugutom na 'ko."

"Oh," Tumango siya. "Wait for me here, then. I'll buy you some sna---"

"Hindi," Agad na pigil ko. "Ayokong kumain dahil ayokong ibaba ang tabing sa mukha ko."

Napatitig siya sa akin at napilitan na lamang na tumango. Umupo siya sa tabi ko at may tinawagan.

"Fuck," Mura niya, halatang naiinis na. "Where the fuck are they?"

Magsasalita na sana ako nang may maramdamang presensya sa paligid. Nang tumayo ako ay napatingin siya sa akin.

"You felt that, too?" Tanong niya.

Tumango ako bago tumingin sa kaniya, nagkatitigan kami, doon mismo sa paraang 'yon nag-usap ng tahimik.

"Blacks," Sabay naming saad, matalim ang titig sa isa't-isa.

"Do you have any plans?" Tanong niya sa mahinang boses. "They might corner us---"

"I have a plan," Sambit ko, napangiti siya. "Don't look weak and don't die." Saad ko 'saka ngumisi.

May tabing man ay alam kong nawala ang ngiting nakaguhit sa kaniyang mga labi bago nasapo ang kaniyang noo.

"Damn, you really our leader, White. Tsh." Inirapan niya ako. "Still not changing your always plan, 'Don't look weak and don't die'. Is that even a plan?"

Nangunot ang noo ko at napatingin sa kaniyang muli. "What do you mean? This is the first time I said that to you. Tss."

Ngumiti siya ngunit halatang pilit, "Someday, you'll remember each of us, our every memories. Especially, our relationship, my dragon."

Umingos ako at hindi na siya pinansin. Umupo ulit ako sa bench at 'saka nag-angat ng tingin sa kaniya.

Kumunot ang noo niya, "Why did you sit? We're being cornered by blacks---"

"Hayaan mo 'kong magpahinga at ikaw muna ang lumaban sa kanila. Akala mo, hindi kita pagagalitan dahil sa pagtakas mo kagabi sa laban, ha? Tangina mo." Mahaba at inis kong sambit. Sinenyasan ko siyang maghanda. "Magpakitang gilas ka."

Narinig ko ang matunog niyang buntong hininga bago muling yumuko at tumango.

"Ai shiteru, my dragon." Kumindat siya bago ako hinalikan sa noo kahit pa may tela roon.

Tss.

"All of you, take my command, get out from wherever you are!" Sigaw niya.

"Teka, linya ko 'yan, ah?" Wala sa sariling saad ko.

Living For RevengeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin