Chapter 9

31 8 2
                                    

Chapter 9

Lexine's PoV:

Lumipas muli ang mga araw, hindi pa rin tumitigil ang mga nang-aapi sa akin rito sa campus.

Nagsasayang lang sila ng oras sa pag-iisip ng panibagong patibong, lahat naman ng 'yon ay hindi ko binibigyang pansin.

Kahit pa,

Binato nila ako ng lobo na may lamang pintura no'ng nakaraang araw. Nasayang ulit ang librong hawak ko no'ng mga oras na 'yon ngunit hindi ako nagalit o nagreklamo man lang.

Marami pa 'kong libro, hehehe.

Kinabukasan ay tanghali na nang magising ako. Napasimangot ako nang maalalang sabado ngayon, may trabaho ako.

Tinatamad man ay bumangon ako. Matapos kong maligo at magbihis ay umalis na ako, hindi na ako nag-abala pang kumain ng agahan. Tinatamad rin akong magluto, eh. At isa pa, wala rito si Trex kaya walang nag-asikaso, malamang nando'n ulit siya sa syota niya.

Pagpasok ko sa resto ay naabutan kong napakaraming costumers kaya agad akong kumilos para tumulong sa mga waiter at waitress.

Mabuti nga't marami lagi ang kumakain rito, tumataas rin ang sahod ko. Ayos, 'di ba?

"Doon ka maupo, reserved na 'yan, eh. Hindi ba kayo marunong magbasa?" Saad ko sa tatlong lalaki na uupo na sana sa reserved table. Tumango sila at agad na lumipat.

"Hoy, hoy, ikaw!" Tawag ko sa isang pulubi na pumupuslit papasok. "Anong ginagawa mo? Bitiwan mo 'yan!" Inis kong inagaw ang hawak niyang plastik kung saan ay naipon ang mga tira-tirang pagkain. Itinapon ko 'yon sa pinakamalapit na basurahan bago ako humarap sa kaniya.

"Hoy, bawal ang pulubi rito!" Napatingin ako sa katabi kong waiter na pilit pinapaalis ang batang mangiyak-ngiyak na.

Humarap ako sa katabi ko 'saka ko siya sinamaan ng tingin. "Subukan mo siyang palayasin, hinding-hindi ka na makakabalik rito, kahit kailan." Banta ko.

"Magaling ka lang magbanta, hindi mo naman kayang gawi-!"

"Hindi mo 'ko kilala." Tinalikuran ko siya, humarap ako sa bata.

"B-Bakit niyo po nitapon 'yong nikakain ko-" napatigil siya at napahikbi.

Bumuntong-hininga na muna ako bago pinunasan ang pisngi niyang basa na sa luha. "Tinapon ko 'yon dahil galing 'yon sa basura. Hindi mo pwedeng kainin 'yon dahil marumi na." Ginulo ko ang buhok niya 'saka ko siya pinaupo sa isang upuan. "Hintayin mo 'ko rito."

Dere-deretso akong pumasok sa kusina at nag-umpisa agad akong magluto ng simpleng pagkain.

"Bakit ka nagluluto? Waitress ka lang, ah-!"

"Manahimik ka kung ayaw mong buhusan kita ng kumukulong mantika sa mukha." Seryosong sambit ko, pinipigilan sa pagsasalita ang manager namin.

"Aba, bastos ka-!"

"Sinabi nang manahimik ka!" Sinipa ko ang isang stool na naroon, napasigaw siya nang matamaan ang tuhod niya. "Isang beses ka pang mag-ingay, itutuloy ko ang una kong banta. Hindi ako nagbibiro."

"Hala siya, bakit niya ginano'n si sir?"

Nagsimula na namang magbulungan ang mga tagaluto ngunit hindi ko na 'yon pinansin.

Living For RevengeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ