Chapter 36

29 2 0
                                    

Chapter 36

Miyerkules.

Lexine's PoV:

Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ng kalampag mula sa kung saan. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko bago pinasadahan ng tingin ang paligid.

Teka, hindi ko kwarto 'to, ah?!

Nagbaba ako ng tingin sa katawan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakasuot pa rin sa akin ang Ninja Suit ko.

Tumayo ako at binuksan ang pinto, mabuti na lamang at hindi 'yon nakakandado. Nang lumabas ako ay 'saka ko lang napagtanto kung saan ako natulog.

Pero bakit dito ako natulog? Pilit kong inalala ang mga nangyari kahapon. Nag-uusap kami ng buong grupo hanggang sa itanong ko kung kilala ba nila ako. Pagkatapos kong sakalin si Light ay bigla na lang akong nakatulog. Dumilim ang lahat.

Pero bakit parang may kulang? Napabuntong-hininga ako bago dumeretso sa sala. Naabutan ko sila doon na naghahanda ng mahabang lamesa. Dala nina Sky, Moon at Range ang mga pagkain.

Nang makita nila akong naglalakad palapit ay agad nila akong tinanguan. "Good morning, Lead."

Tumaas ang kilay ko. "Pa'no tayo kakain? Pare-pareho tayong ayaw magbaba ng tabing."

Natigilan sila at parang ngayon lang naisip ang sinabi ko. Nakamot ni Dark ang kilay bago matunog na napabuntong-hininga. "Just fucking...fuck."

"Tss." Singhal ko bago sinulyapan ang orasan sa pader. Alas-sais pa lang, puwede pa 'kong makaligo at makapagbihis sa bahay bago pumasok. "Nasa'n nga pala si Light?"

Sa tanong kong 'yon ay sabay-sabay silang napabaling ulit sa akin bago sila sabay-sabay na sumagot. "Outside."

"Anong ginagawa no'n do'n?"

"Grilling."

Tumango ako at lumabas para puntahan siya. Tahimik akong naglakad hanggang sa makarating ako sa bandang likod niya.

"Light,"

Nang marinig niya ako ay agad siyang humarap sa akin. "Oh, you're awake." Aniya, kahit nakatabing ay alam kong ngumiti siya.

"Uuwi ako maya-maya. Kayo na lang ang kumain tutal, ayaw naman nating lahat magbaba ng tabing."

"But--"

"Me' reklamo ka?" Tanong ko. Umiling siya kaagad. "Mabait na aso." Itinaas ko pa ang hinlalaki ko, thumbs up raw tawag do'n, eh. Wala akong pake. "Aalis ako pagkatapos kong sabihin ang ipinunta ko rito kahapon. Hindi ko na naman nasabi, daldal niyo kasi." Paninisi ko.

Tinulungan ko na siyang mag-ihaw at nang matapos kami ay 'saka kami bumalik sa loob. Sinenyasan ko silang maupo na agad naman nilang sinunod.

"May nalaman ako no'ng nakaraan," Panimula ko, pinabibilis na lamang dahil may pasok pa 'ko. "Tinanong ko 'yong mga lalaking ikinulong ko. Base sa sinabi nila, ang mga Black Shinobi mismo ang pasimuno ng mga kababalaghan sa paligid, kasamaan at iba pa." Napabuga ako ng hangin. "Napagdesisyunan ko na ipagpatuloy na lang natin ang pagresponde t'wing may masamang nangyayari, panigurado kasing sila mismo ang may gawa ng mga 'yon."

"Ooooh, so, we'll continue being heroes?" Natutuwang tanong ni Sky.

Tumango ako. "Tama. Pero gusto ko ring mag-ingat kayo. Maaari kasing paraan nila ang panggugulo para palabasin kayo."

Living For RevengeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum