Chapter 30

32 5 0
                                    

Chapter 30

Ashly's PoV:

Ngayon lang na-late si Ize. Nandito na kaming lahat sa room at nagdidiscuss na rin ang teacher namin pero hanggang ngayon, wala pa rin siya. Halos kinse minuto na siyang late, ih.

"Itext niyo na kaya siya, Heli?" Bulong ko. "Nakakapag-alala na kasi, ih. Simula no'ng maging magkakaklase tayo, hindi pa siya nahuli sa klase."

Pasimpleng sumulyap sa akin si Heli bago bumulong. "Tinext ko na siya kanina pero hanggang ngayon rin, hindi pa nagrereply."

Puro lang kami review dahil malapit na ang second grading examination namin. Si Ize? Ayos lang siguro kahit hindi na siya magreview. Lagi naman siyang nagbabasa ng reference books. Parang mas nauna pa siyang magreview kaysa sa amin, ganoon.

"Maybe there's an emergency," Sambit bigla ni Darren, bumubulong. "She loves studying so much, maybe something happened."

"Pero nagreply man lang sana siya sa text ko, 'di ba?" Umirap si Heli. "Naku talaga, babatukan ko talaga si---"

"Kaya mo?" Pang-aasar sa kaniya ni Vien. "She'll hit you before you even---"

"Oo na, oo na!" Sumimangot si Heli.

Magsasalita pa sana ako pero bigla na lang kaming sinigawan ng teacher namin. Naririnig niya raw kaming nagbubulungan.

Siya ang bago naming English subject teacher. Si ma'am Florida, sa ibang section na inilipat dahil lagi raw silang nagkakainitan ni Ize. Si sir principal mismo ang magdesisyon niyon. Mababaw nga kung iisipin, ih.

Ano 'yon? Para lang sa isang estudyante, inilipat na sa ibang section si miss?

Pero kung tutuusin, mas maayos na 'yon. Baka kasi puro away ang mangyari, imbes na discussion, sa oras ng subject na 'yon.

~

Napatingin ako kay Darren at Heli napanay ang pindot sa sari-sarili nilang cellphone. Si Heli ay mukhang naiinis na ngunit may halong pag-aalala sa mukha. Si Darren ay tahimik lang ngunit minsan ay ngingiti na para bang may nakakatawa siyang nakita sa cellphone niya.

At, oo, tama ang iniisip niyo. Wala pa rin si Ize. Kalahating araw na siyang wala. Absent na siya sa mga subjects kanina. Si Heli, sigurado akong si Ize mismo ang tinitext niya.

"Nakakapag-alala na talaga!" Halos masabunutan na ni Heli ang sarili dahil sa inis at pag-aalala.

"Why don't you call Ize na lang?" Tanong ni Rian.

Umiling si Heli. "Tinawagan ko na siya kanina pero hindi talaga sumasagot. Nagri-ring lang." Isinubsob niya ang noo sa lamesa. "Pa'no kapag may masama nang nangyari sa kaniya? Pa'no kapag may nakaaway na naman siya sa daan? Kainis naman kasi, eh!"

"Don't worry," Pagpapakalma sa kaniya ni Paul. "She's a badass, you have to worry nothing when it comes to her."

"Oh, sige nga? Pa'no mo nasabi? Ikaw ba ang matagal nang kaibigan? Ha?" Pinanlakihan siya ni Heli ng mata.

"No, we're not even close. But I assure you, sugar, nothing bad will happen to her."

Hindi ko na mapigilan ang sumingit. "Kapag hindi pa siya nakapasok hanggang matapos ang buong araw na klase, puntahan natin siya?"

"Sige." Sumimangot si Heli.

"Sure." Sina Rian, Vien at Paul.

"A'right." Si Darren na tutok pa rin ang mata sa hawak na cellphone.

Living For RevengeWhere stories live. Discover now