Napatango tango nalang ang reyna. Nagtatakang tiningnan ni Prince Coldy ang ina niya ng bigla nalang itong pumalakpak.



"May naalala pala ako, hehe, alam mo bang nagtangkang dumalaw si prince Cloud sa kay Nightmare?"


Natawa si Prince Coldy ng dahil sa sinabi ng ina niya. Napailing iling pa siya.


"Ang lakas ng loob ng hinayupak. Ahahahha!"


Tawang tawa talaga siya. Kaya hindi mapigilan ng ina niya na tingnan ang anak niya na wari ito na ang pinakabaliw na nakilala niya sa buong mundo.


"Para kang baliw, tawa ka ng tawa. Wala namang may nakakatawa."


Hinintay muna ni Prince Coldy na matapos ang pag tawa niya. Kasi naman, nakakatawa talaga.



"Ma, hahahhaa, ang lakas naman ng loob niyang dalawin ang fiancée ko, ako nga na mapapangasawa hindi pinayagan ng emperador na makalapit sa anak niya, siya pa kaya na hampas lupa lang?"



Tumawa na naman siya matapos niyang sabihin yun. Hindi naman napigilan ng ina niya ang kaniyang sarili, binatukan niya ang anak niya. Hindi niya kasi nagustuhan ang sinabi nito. Oo, nakakatawa pero hindi iyon ang tamang asal ng isang prinsipe.



"Ma naman, makabatok ka. Kulang nalang matanggal ang ulo ko sa leeg ko."


Inirapan lang siya ng ina niya. "Ayusin mo yang ugali mo. Bakit ba kasi hindi kayo magkasundo sundo ni Cloud? Mabait naman ang batang yun."


Napaismid si Coldy ng dahil sa sinabi ng ina niya.


"Mabait? Yun? Fbck, what a joke."



"Yun? Mabait? Sigurado ka na ba diyan, ma?"


Natatawang sabi ni Prince Coldy sa ina niya. Palibhasa good side lang kagi ang tinitingnan ng ina niya. Kung kilala lang talaga nito ng lubusan si Cloud, hindi niya masasabi yun

Para sa kaniya, baliw ang lakaking yun. Baliw, baliw. Lahat ng ginagawa niya, ginagaya nito. Bukod pa dun, nakikipagkumpetensya ito sa kaniya sa kahit na anong bagay.


"Anak, hindi naman pwede yang ganiyan. Ano yan, ganiyan nalang ba kayo lagi?"


Tumayo si Prince Coldy. "Mauna na ako, ma. May mahalaga pa akong pupuntahan."



Matapos magpaalam sa ina niya. Tinungo niya ang garahe ng palasyo, pagbukas niya ng kotse niya, nangunit ang noo niya ng may makita siyang isang white rose sa drivers seat.


Kinuha niya ito, binuksan ang sulat.

"In between H and J starts the word that I'm going to say to you. Heart symbolizes the word love and lastly, my happiness does not start with the letter of H, instead, it's U."



Napalinga linga sa paligid si Prince Coldy, umaasa na baka makita pa niya ang kung sino mang naglagay niyon duon.

Paano nito ito nailagay sa loob ng kotse niya? Paano ito nakapasok sa loob ng palasyo nila? Humihina na ba talaga ang siguridad ng palasyo nila.

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon