Kabanata 20: Limutin

58 29 0
                                    

Kabanata 20

Limutin

---

Nagtagal ang paningin ko kay Sir Andrew. Kung hindi lang siya tumikhim ay hindi ko maisipang palisin ang paningin ko sa kanya.

"What's wrong? Did something happen? May dumi ba sa mukha ko?" sabi niya, nakakunot ang noo.

Pinilig ko ang ulo ko sa iniisip. Kahit kailan talaga makakahawig talaga sila!

"Wala sir! May iniisip lang!" umiling ako at tila nahihiya. Ang kinis pa nga ng mukha mo sir!

Tanaw ko ang pagkainteresado niya sa iniisip ko dahilan kung bakit tila nag-iisip siya.

"Let me guess? Leandro Right?"

Nagpakurap kurap ako dahil nahulaan niya ang iniisip ko. Though hindi naman mahirap yun pero sa lahat ng iniisip niya ay naalala niya pa rin ang una naming pagkikita.

Unti unti akong tumango na nahihiya. Nahihiya ako dahil naaalala ko parin si Leandro sa kanya. Pinilit ko namang huwag isipin yun pero ang memorya ko talaga sa kanya ang naglalaro sa isipan ko pag may mga bagay akong pamilyar kay Leandro at sa kanya.

"Sorry sir. Di ko talaga mapigilan."

Tumawa siya ng kaonti. "Nope, you are free. Di naman mapipigilan yun especially that he is special to you but you should also remember that you should forget him."

Tumango ako at naintindihan ang sinasabi niya pero nahagit lang ako sa salitang paglimot. Hindi ko siya makalimutan dahil ayoko siyang makalimutan. Bumabalik ang mga memorya niya sa akin at sa tuwing bumabalik yun, parang humihilom ako.

Forget? Paano ko ba siya makalimutan? It's been three years at hindi ko pa siya makalimutan o di ko talaga kaya ang kalimutan siya! I know kailangan ko siyang kalimutan, di dahil para sa akin kundi para na rin sa  kay mommy at sa mga kaibigan ko, na nahihirapan para sa akin.

In fact, paano nga ba ang lumimot?

Paano nga ba kalimutan, ang taong naging buhay mo na?

Paano nga ba kalimutam, ang memoryang tatak na tatak na? Yung tipong pinipilit mong burahin, pinipilit mong iwasan pero di basta bastang mabura dahil ito'y nakaukit na!

Kaya paano nga ba?

Tinitigan ko ang kamukha ni Leandro. He always wear that kind of face. The face of Leandro. Mabaga ang kanyang kilay, matangos ang ilong, at mashape niyang mga labi. Hindi ko ito inaasahan. I had heard countless of times from my classmate, Jasmine at kay mommy na I have to move on at kailangan kong kalimutan si Leandro pero wala eh! Hindi ko siya makalimutan. 

"Paano nga ba ang lumimot?" tinitigan ko siya ng malaliman.

Napaawang ang kanyang labi na parang hindi rin niya inaasahan ang tanong ko.

"Paano nga ba ang lumimot?" Now, In more convincing way.

Nanatili siyang nakatitig sa akin hangga't  bumuntong hininga siya.

"Lumimot? Like maghanap ka ng... Iba?"

Tumitig lang ako sa kanya. Nang naramdaman kong titig na titig ako ay tumaas ang kanyang dalawang kamay na parang sumusuko na siya.

"Manghanap ng iba?" nagpatango tango ako at siya naman ang napatitig sa akin. "Ibig sabihin? Kailangan ko ulit makipagdate sa ibang lalaki?"

Way To Your Heart (Way Trilogy #1)Where stories live. Discover now