Kabanata 19: Kontento

60 32 0
                                    

Kabanata 19

Kontento

---

"Leandro  kunin mo naman ang bayabas dun oh?!" Ito ang paulit na sinabi ko nung bata pa ako.

My decisions are always clear if he's beside me. Binibigyan niya ng kahulugan ang buhay ko, ang pagkatao ko. He gives me the direction na wala sa ibang tao. He gave me the invisible map I've never thought I have.

"Sinabi niya kasi sa akin na pangit ako. Kaya inaway ko siya." Grade three ako nun at Grade five siya. Pinatawag si mommy ng school head dahil inaway ko raw ang kaklase ko.

"Mmmm..." hikbi ko habang kinusot kusot ang mata ko. Inaway ako ng kaklase ko kaya hinila ko ang buhok niya at nagsumbong sa teacher namin. Nagkagulo panandalian ang school namin dahil matapos ko siyang mahila ay sinundan niya naman ako ng hila. Mataba ang babaeng yun at malakas pa kaya parang nabubunot ang buhok ko pag siya na ang hihila.

Yinakap ako sandali ni Leandro at siya na ang pumahid sa mga luha kong nagbabadya na namang  tumulo. Naroon si Mommy sa loob at pinagsabihan tungkol sa akin. Titser pa naman ang mommy ko tas ganito ako!

"Tahan na, " pinisil pisil niya ang mukha ko.

"Mmmm..." patuloy ako sa pagiyak. Patuloy naman siyang nagpapahid ng luha ko. Nang nawala na ang luha at may kaonting hikbi na lang ay hinawakan niya muli ang pisngi ko."Sa sununod wag mo nang gawin yun."

Tinitigan ko siya. Ang mga mata niya ay puno ng pagsusumamo. " Pero sabi niya pangit ako, " pagsusumbong ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya bago nagsalita "Tandaan mo 'to. " nakatitig na siya sa akin. Lumakas ang kaba ng puso ko. "Ikaw ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo. Ikaw lang ang nakikita kong maganda dito Alea. "

Natigil ako sa paghikbi at ipinantay ang titig sa kanyang titig. Ako ang pinakamagandang nilalang sa mundo. Isinaksak ko ang isipang yun sa isipan ko. Nakaramdam ako ng kompyansa sa sarili ko. Kung dati ay nagagalit ako sa mga taong nagsasabi sa akin na pangit ako, ngayon naman ay hindi na! Bahala na kung sinasabihan nila ako ng pangit basta sa paningin ni Leandro ay hindi. Ako ang pinakamagandang nilalang sa mundo, sabi pa nga niya.

Sapat na sa akin na kino-compliment niya ako. Lahat ng mga insecurities ko ay nawala. At ang lahat ng yun ay dahil sa kanya. Naging maganda ang childhood memories ko nang dahil sa kanya. 

Sinasabi ko sa sarili ko na iiwasan ko na  si sir Andrew at nanalangin ako na sana hindi na siya magtitext  sa akin para hindi ako makareply. Ou! Alam kong hindi ako naka obligado na magreply sa kung ano ang minimessage niya sa akin pero di naman maganda yun lalo na't parang wala namang malisya ang mga sinasabi niya.

Sir Andrew: Good Morning! Are you in the hotel? Please come to my office.

Tinitigan ko ang mensahe niya at napasarado ang mata. Namuo na naman ang kaba sa aking dibdib. Di ko alam kung tama ba ito o ano!

Ako: Yes po Sir, pero bakit po?

Tipa ko naman sa kanya. Ano ba ang gagawin ko sa office niya? Kung may iuutos siya, pwede namang itext niya yun ng direktahan sa akin.

Tinapos ko muna ang trabaho ko bago ako pumunta sa office. Hindi na siya nagreply sa akin kaya pinuntahan ko na lang ang office niya.

Nakita ako ng mga guards niya at bigla naman itong natanggal sa huwesto at agad na binuksan ang pintuan. Nag angat naman ako ng labi sa kanila at pumasok na sa opisina niya.

Way To Your Heart (Way Trilogy #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang