Kabanata 17 : Nakita

66 34 0
                                    

Kabanata 17

Nakita

---

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nagpakurap kurap ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko basta ang alam ko lang ay ang lakas na ng tibok nito. Numero? Para san naman?

Nalaman niya siguro sa ekspresyon ko na nako-confuse ako kaya nagsalita siya uli.

"HIndi yan ang ibig kong sabihin. Sorry. " bahagya siyang napatawa. " I  always care on my employee. If you need anything just call me, I'll give you mine. "

Napatango tango ako. Naiintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin. He cared on his employee. Nakita niya ako na nakatulog sa upuan kakahintay kaya't nanghingi siya ng number sa akin. In case na kailangan ko siya o emergency, I can directly call.

At dahil dun, binigay ko ang number sa kanya. Nagpakurap naman ng mata si Jasmine sa lahat na nangyayari. Alam kong hindi basta basta binibigay ang number pero nakikita ko naman na maganda ang motibo niya at boss ko naman siya. Inaalagaan niya ang mga employees niya.

"Are you serious Alea?" sabi sa akin ni Jasmine habang naglalakad patungo sa isang room. May seminar kami ngayon dahil nag assist kami  ng pool party kahapon.

"Huh?" nalilito kong tanong sa kanya.

"Binigay mo number sa kanya,"

"At bakit naman?" lito ko pa ring tanong.

"Bakit? Ewan ko sayo Alea kahit boss natin siya, hindi mo dapat basta binibigay ang number mo!"

"Nagworry lang siya sa akin kagabi. Of course empleyado niya ako. " pag eexplain ko sa kanya.

Napailing siya muli.

"Kung empleyado lang, bakit di lahat ng empleyado dito ay  kunin niya ng number? E tama ako eh! Interesado siya sa iyo! Pero sana hindi mo muna binigay sa kanya ang number mo!"

May punto naman siya pero binigay ko lang naman yon dahil baka nag alala siya sa akin. Ayaw ko nang may mag alala pa sa akin. At sa sinasabi niyang may interes siya sa akin ay hindi ko naman pinapaniwalaan yun dahil impossible naman! Nag alala lang siya sa akin kagabi at kung tutukuyin na lagi siyang tingin na tingin sa akin ay maiintindihan ko naman yun dahil nakasalamuha ko na siya at hindi lang basta nakakasalamuha, nakatulog pa sa condo niya!

Nagsimula na ang seminar. Nandun na rin si Lea, Paulo at Malik sa malaking table. May malaking projector sa harap namin at si Maam Tina naman, isang HR manager ang magseseminar sa amin.

Panay ang kanilang picture sa selpon habang ako ay panay naman ang baling sa  notes ko.

"Any accessories should not be wear except for wedding rings. Oh! Sino ang kasal na dito? You can wear wedding rings pero ang mga rings na bigay lang ng jowa niyo ay itapon niyo na! Iiwan rin naman kayo!" sabi ni Maam dahilan ng pagtawa naming lahat.

"Maam naman!" si Lea.

"Basta safe na safe ako. Ang hirap makahanap ng jowa grabe!" si Paulo.

Natawa lang si maam sa sabi-sabi nila. Napatawa na rin ako. Hindi naman ako kasado at wala akong jowa kaya okay lang. Wala pa namang nagbibigay sa akin ng singsing.

" Quirino hotel welcomes you all here and I'm hoping that you will enjoy your journey here," pagtatapos ni Maam.

Whole day ang seminar ni Maam. She allowed us to touch equipments in cooking section at tinuruan niya kami kung paano ito gamitin. Laman rin  ng seminar ang mga rules and regulation ng Hotel. Although medyo strict ang mga rules, makikita mo talaga ang  pagdidisplina nila sa mga empleyado.

Way To Your Heart (Way Trilogy #1)Where stories live. Discover now