Kabanata 6 : Nalusaw

68 45 0
                                    

Kabanata 6

Nalusaw

---

Ganito ba talaga pag mahal mo ang isang tao?

Ito ang palaging bumubulong sa akin simula nang tumungtong ako ng highschool. Lagi kaming magkasama ni Leandro. Lumipat na rin sa ibang lugar ang ilan naming mga kaibigan. Si Gept Gept, Robert at Pitoy ay umalis matapos makagraduate ng elementary. Si Galgo, Peter, Klarence at Marko ay umalis matapos mag - grade 7. Kaya, sa aming magkakaibigan ay kami na lang ni Leandro ang naiwan.

"Ang sakit na ng paa ko, Leandro." Pagrereklamo ko. Nanghihina na ako at nanalatay na ang aking tuhod. Pauwi na kami. May meeting si mama kaya hindi na lang ako sumabay kay mama. Mostly, uuwi siya mga gabi  dahil sa meeting nila.

Grade 7 ako at si Leandro ay Grade 8. Sabay kaming umuwi. Pero ang pinagkaiba lang ay mataas pa ang energy niya habang ako ay kumukupas na.

"Gusto mo buhatin kita?" Pagtatanong niya sa akin.

Kahit na gusto ko ay hindi pwede. Malalaki na kami, kaya sinabi ko, "Ano ba! Leandro! Hindi na ako bata."

Napataas siya ng kilay at sumimangot. "Para sa akin baby ka pa... Baby kita."

Hininaan lang niya ang panghuling salita pero rinig na rinig ko. Ako pa? Basta boses ni Leandro ay nakakarinig ako kahit na bulong lang yan.

Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. 

Ni minsan ay hindi nagbago ang tingin ko sa kanya. Siya pa rin ang Leandro na nakilala ko. Siya pa rin ang Leandro na dahilan ng pag tibok ng puso ko.

Huminto siya at mukhang uupo sa lupa pero hindi. Itinuro niya ang abaga niya. Hindi talaga siya titigil hangga't hindi ako nakaangkas sa likod niya. Malapit na naman kaya hinayaan ko na lang ang aking sarili na umangkas sa kanyang likuran.

Dahan dahan kong iginiya ang aking sarili sa kanya. Hinawakan ng mga braso ko ang kanyang leeg, bumulong siya.

"Ok na ba?"

Tumango ako pero nahuhumerentado na itong puso ko. Malakas ang tibok sa akin at sa sobrang lakas parang naririnig na ni Leandro ang pagtibok nito.

Mahigpit ang kapit ko sa kanya. Nakasandal ang aking ulo sa balikat at sa kanyang paglakad, sa kanyang paghawak ay nakatulog ako. Nakatulog ako sa likuran ni Leandro.

Nahihiya ako sa ginawa ko. Kaya hindi ako nagpakita sa kanya buong araw. E paano kasi nahihiya ako. Hangga't sa pinuntahan niya ako sa bahay.

"Tita, nandito ba si Alea?" Sabado ngayon at tuwing sabado lalabas kami ni Leandro.

Sinulyapan ko si Mama at umiiling iling ako pero si mama talaga!

"Ou Leandro, nandito si Alea! Sinabi nga niya sa akin na sasabihing wala siya,"

Napapikit na lang ako sa sinabi ni mama kaya lumabas na lang ako. Nakita ko kaagad ang mukha ni Leandro. Ang gwapo talaga niya, matikas at moreno. Linunok ko ang sarili kong laway.

" Saan tayo pupunta ngayon? " Pagtanong ko sa kanya. Hindi ko pinahalata na nahihiya ako. Nakakahiya kasi baka naramdaman niya ang pagtibok ko nung inangkas niya ako at sobrang bigat ko pa.

"Ikaw? Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya pabalik sa akin.

Nag isip isip mo na ako bago ko naisipang mamingwit ng isda. Marunong naman siya dun! kaya sinabi ko sa kanya na gusto kong mamingwit ng isda.

Way To Your Heart (Way Trilogy #1)Where stories live. Discover now