Kabanata 4 : Halik

85 49 0
                                    

A/N: Hi! Kahit hindi niyo ipiplay ang music, wag niyo nang e play. Ang ganda lang kasi ng beat. Charot! HAHAHAHAHA. Pero seryoso, salamat sa pagbabasa. Enjoy the next chap!

Kabanata 4

Halik

---

Alam kong sa pagkakataong ito ay gusto ko na siya. Alam ko sa bawat pagtibok ng puso ko ay siya. Pero hanggang saan ba itong paghanga ko sa kanya? Pipiliin ko ba itong tumubo o palayain na lang itong nadarama ko sa kanya?

Halos dumugo na ang aking ilong kakatingin sa mga numero. "E paano ba ito?" pagrereklamo ko.

Ang kanyang mata ay tumitig sa akin. Nakaupo kami pareho sa lumalabas na ugat sa puno ng mangga.

Dito ako dinala ni Leandro. Ang sabi ko kasi di ko maintindihan ang lesson namin sa Math kaya ayun sabi niyang tuturuan niya daw ako. Ang buong akala ko naman ay sa paaralan lang kami pero nagulat na lang ako at the same time , natutuwa dahil dinala niya ako sa lugar na minsan ay hindi pamilyar sa akin.

Instead na makinig sa kanya ay napalinga linga ako sa kapaligiran. Napupuno ng mga dahon at kahoy ang paligid. Siguro kung may tao lang akong makikita sa lugar na ito ay yun ay ang dumadaang sasakyan sa kalsada. Hindi naman ganoon karami ang dumadaan kumpara sa dati kong lugar. Hindi nagsisiksikan ang mga sasakyan rito.

"Kunin mo naman ang bayabas dun sa dulo, sige na!" Pagpupumilit ko. Napahinto siya sa pasusulat at dun niya napagalamang hindi pala ako nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Hindi ka pala nakikinig?" Tanong niya sa akin. Hindi niya man lang ako pinagalitan. Simpleng tanong lang bilang pagkompira na hindi pala ako nakikinig.

"Gusto ko ang bayabas dun. Kunin mo naman. Please." Patuloy sa pagmamakaawa ko. Nakasalubong ang kanyang kilay ng tinitigan niya ako. Nagpakurap kurap ako at nagpapacute para pumayag lang siya. Napabuntong hininga siya. Binitiwan niya kaagad ang ballpen at papel na kanyang dala. Nag angat ako ng malawak na ngiti.

Kinuha niya ang bayabas sa dulo, kaya lang ay nahulog siya. Sobra ang kaba ko nun , nang napag kaalaman kong maari siyang mamatay. Ginising ko siya pero hindi siya nakinig. Namuo ang takot sa aking damdamin. Paano kong totoong wala na siya? Paano kong wala na ang Leandro ko? Paano kong?...

Hindi ko lubos maisip ang paanong iyan. Sumaklolo ako. Minsan pala disadvantage rin sa lugar kong walang tao, dahil ano na kaya ang mangyayari pag walang tao at may emergency? Walang tutulong sa iyo.

Inilapit ko ang tainga sa kanyang bibig at ilong, tinitingnan ko kung gumiginhawa pa ito pero sa kalagitnaan ay nakaramdam ako ng padampi ng halik sa aking pisngi. Ngumingit ngiti pa siya sa akin.

"Akala mo!Mamamatay na ako nu?" Tawang tawa pa siya. Nahinto ang paningin ko. Hindi ako makagalaw . Hinalikan niya ako? Ibig sabihin ba nun gusto niya ako? At sa sobrang kasiyahan ko ay tinugunan ko rin siya ng isang halik sa cheeks. Nagkatitigan kami at ninakawan ako ng mabilis na ngiti sa labi.

Lumalabas naman ang mga butterflies sa akin. Pinamumulahan ako sa mabilis na halik na yun . Hindi pa rin ako makapaniwala na maari rin siya ay may gusto sa akin. Dahil kong hindi? Bakit pa niya ako hinalikan?Hinalikan ko siya sa cheeks dahil gusto ko siya.

Kaya nung umuwi ako sa bahay ay lagi akong ngumingiti kay mama. Nagluluto siya ng pagkain ng agad akong lumapit at niyakay siya sa likuran.

"Alea!Nagluluto ako."

Way To Your Heart (Way Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon