Kabanata 30: Way

109 29 0
                                    

A/N: This is the last chapter of the story, "Way To Your Heart." I just want to thank everyone for reading my story. 

Kabanata 30

Way

---

His bloodshot eyes ay mariin na tumitig sa akin. Para bang sa mga titig na yun ay  gustong gusto na niya akong iuwi. He reached my hand and pulled me closer.

Hindi ko alam kung kailan ko pa pipigilan ang aking damdamin dahil palagi nalang. Palagi nalang akong hulog na hulog sa kanya.

Ikinompose  ko ang aking sarili. Tinitigan ko lang siya. Hindi siya gumalaw. Nakatitig lang. Kahit alam kong galing siya sa bahay nila, pinapagalitan ng mama niya at hinahanap ako. Pero hindi ko ipinakita iyon. Hindi ko ipinakita lahat, ni hindi ko ipinakita na naaapektuhan ako sa kanyang titig. Magaling naman siyang magpanggap at alam kong kahit ngayon ay idedeny niyang siya si Leandro.

"Sir! Ba't po kayo nandito?" Ako na ang lumapit sa kanya. Nakangiti. "Oh?Ba't ang pulang pula ng mga mata niyo sir?"

Umiling lang siya sa akin. "Ah, wala ito. Uminom kasi ako galing."

"At bakit ka naman uminom sir? May problema ka?"

"Well yes!" Natatawa pa siya pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Ibinulsa niya ang dalawang kamay at parang hindi mapakaling tumayo. 

"Pwede bang umupo muna tayo sir?"

Tumango siya. "Pwede," kasabay ang paghalakhak niya pero bakas ko pa rin ang lungkot.

Nakatitig kami pareho sa malawak na karagatan. Kasabay ang maraming bituin sa kalangitan at kaunting unos ng hangin ay ang pag balik ng aking alaala kay Leandro. We used to stare stars in the dark sky, smiling, teasing each other pero ngayon iba na, nakatitig kami pareho pero ang pinagkaiba ay ang tahimik namin.

Hinarap ko siya and of course, hindi nakakalimutan ang ngiti. "So, pwede bang e share ang problemang yan?"

Umangat ang labi niya pero madali lang itong hinila ng kalungkutan.

"Yung special someone mo ba yan, sir?" Napahalakhak ako pero unti-unting naglaho iyon nang tinitigan niya ako ng seryoso. Tumigil ang mundo ko. Namataan ko na lang siyang binaba ang tingin sa dinala kong maliit na envelope. 

"Ano yan?" Nakatingin rin ako sa maliit na envelope na aking dala. "Ah! Eto sir?Wala 'to!Balak ko kasing itapon 'to?"

Nagtaas ang isang kilay niya. "Itapon?Ano ba yan?"

"Ah, yung ano! Yung ikinuwento ko sayo na kababata ko, si Leandro." Nag alangan pa akong isabi ito sa kanya.

"Bakit? May problema ba?"

"Ah! Wala po! Actually, nagpunta ako rito para itapon 'to!"

"Itapon? Bakit? Ano ba yan?"

"Letter po!"

The moment he heard the letter ay parang nag-iba ang ekspresyon niya. Parang gulat na gulat siya sa sinabi ko. Aside, sa gusto kong munang umalis sa mansyon na iyon ay gusto ko ring itapon ang letter na ibinigay ko kay Leandro nung graduation niya. Gusto kong kalimutan talaga. I know paulit ulit ko na itong sinabi. 

Way To Your Heart (Way Trilogy #1)Where stories live. Discover now