Kabanata 5 : Sulat

64 47 0
                                    

A/N: Again, gusto ko ang beat . HAHA.

Kabanata 5

Sulat

---

Hindi ko magawang isipin kung paano ako nahuhulog sa kanya. Sa ngayon, palihim akong nahuhulog at palagay ko rin, palihim din siyang nahuhulog. Kaya, I took it as a sign of mutual.

Kung hindi kami nagbubuhat ng palmboat ay nagtatawanan kami. Sila kasi Peter, ang ingay ingay! Mga bata kami at wala pa kaming lakas kaya, kapag hatian na ay tag iisang nokos lang o dalawa ang ibibigay sa amin. Pinapangarap ko nga na sana ay malaki na sana kami para pagdating sa ganito ay hindi na tig iisang nokos ang ibigay sa amin.

Marami naman ang pumunta sa laot kaya madami dami na rin ang nokos na aming naitipon.

"Kumuha kayo ng kape, dali! Dun kay Nay Taning."

"Ayoko nga! Baka hindi ako bibigyan!"

Lumapit ang tingin ni Leandro sa akin. "Gusto mo ng kape?"

Agad akong umiling dahil hindi ko gusto yun. "Hindi ako nagkakape eh! Gatas ang pinapainom sa akin ni mama."

"Naku! Leandro! Dapat bilhan mo siya ng Kape."

Napatingin naman si Leandro sa akin.

"Gusto mo? Bibilhan kita."

Umiiling iling naman ako. Hindi dahil ayaw kong maggatas pero ayokong umalis sa tabi niya. Giniginaw ako pero ang init niya ay sapat na sapat para ako ay magpatuloy.

Nagsusugba sila ng nokos. Ayoko pang kumain dahil madumi pero nang pinatikman ako ni Leandro ay sunod sunod kaagad ang lamon ko. Ang sarap pala! Hindi ko ito nagagawa sa dati kong lugar. At ang sarap lang sa pakiramdam na nagagawa mo na ang gusto mo dahil sa kanila.

Nagising ako mga alas onse na ng umaga. Nakatimbang kami ng dalawang kilo kagabi. At mamaya, sabi nila, pwede nang kunin ang kinita namin sa gabi. Masaya ako sa naiisip! Pwede palang kumita dito at makakain pa!

"Alea! Gising ka na ba anak? Nandito mga kaibigan mo!" Last day ngayon ng pasukan. Grade 5 na ako, saka sila ng mga kaibigan ko ay Grade 6 na! Gagraduate na sila habang ako mananatili sa elementarya. Wi-nish ko nun na sana ay magkaklase kami para sabay kaming gumraduate.

Inaantok pa ako pero pinilit ko ang sarili na bumangon. Kinusot kusot ko pa ang mata ko at nang tuluyang nang nagising ay bumaba ako at natigilan na lamang na may dala silang mga supot at iba't ibang mga pagkain.

"Ano ito? Di kayo papasok?"

Sabay sabay silang tumango.

"Pero, last na ng pasukan?"

"Kaya nga, di kami papasok kasi last."

"Mga sira talaga kayo! Pumasok tayo!"

"Alea naman! Wa'g na tayong pumasok. Maliligo muna tayo dun sa star beach."

"Teka, what if papasok muna tayo bago maligo?"

Nasulyapan kong si mama na ngumingiti. Napangiti naman ako. Last day ng school naman nila at maghahigschool na sila kaya bakit pa sila aabsent.

"Ayaw kong sumama. Papasok muna ako!"

"Alea naman, ineffort namin itong mga pagkain. Kami pa ang nagluluto pero hindi ka sasama?"

"E mag aaral ako eh? At last na naman ngayon!"

Way To Your Heart (Way Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon