Kabanata 8 : Tago

55 43 0
                                    

Kabanata 8

Tago

---

Leandro, palagay mo ba makakapasa ako sa test?" Tanong ko sa kanya habang tinatanaw ang papalubog na araw. Nakasandal ang ulo ko sa kanyang balikat habang siya naman ay naglalaro ng Mobile Legend. Itinigil niya ang laro at nag angat ng tingin sa akin. He scrutinized me.

My mom is a teacher and thinking that she's a teacher, malakas ang expectation nila sa akin  lalong lalo na dahil mag-isa lang ako.

"Ba't naman hindi?"

"E Math test yun! Hindi ko kasi maintindihan ang leksyon ni Sir Potente eh! Ang bilis bilis."

"Anong topic ba?"

" Geometry eh!" nahihiya kong sabi.

He patted my head and genuinely smile to me. "That's easy. Tuturuan kita mamaya."

"Talaga?" gulat at energize kong sabi.

Tumango lang siya bago kinuha ang phone niyang nilagay niya sa gilid. Tiningnan ko ang screen na nagsasabing defeat.

" Defeat." sumimangot ang mukha ko pagkakita ko. Ako ang may kasalanan nito.

"Sorry, ayan tuloy natalo ka," dagdag ko. He glanced on me at nang nakita niya ang ekspresyon ko, nag angat siya ng ngiti at pinisil pisil ang  pisngi ko. " Okay lang Alea basta ikaw," unti unting kumurba ang aking labi at may kung anong hormone ang dumaloy sa aking katawan dahilan ng pag angat ko nang braso ng paulit ulit. Hindi na niya namalayan yun dahil naglalaro na siya ng Mobile Legends.

Hindi niya sinabi sa akin na gusto niya ako pero palagay ko ay gusto niya ako. Sabay naming tinititigan ang kalangitaan. Sabay naming wini-wish ang isa't isa at sabay sabay naming
pilit na kinakamit ang makislap na mga bituin sa langit.

"Ang ginaw na Leandro!" Pagrereklamo ko pero hindi pa rin ako sumusuko. Sumama ako kay Leandro sa pangingisda. Ayaw ni mama at ayaw ni Leandro. Kaya, hindi ko sila pinansin buong week. Hindi nakayanan ni mama eh at pati na rin si Leandro kaya isinama niya na lang ako.

Akala ko kasing lamig lang pag magsti-stay kami sa baybayin pero mahigit pala. Ang lakas ng hangin at mararamdaman mo talaga ang bawat alon na dahilan ng pagkiling kiling ng bangka.

"Leandro!" Hindi ko maiwasang hindi mapayakap sa kanya. Ayoko na sanang makaabala pa dahil nangingisda siya pero ang lamig talaga.

Napasulyap siya sa akin. "Ano?" Sa malambing niyang boses.

"Giniginaw ako."Akala ko magagalit siya at papagalitan ako nang bigla niyang kinuha ang suot niyang jacket.

" Heto, suotin mo! "Nilagay niya sa aking paa ang jacket.

" Pero iyong sa iyo? " Pagtatanong ko naman.

" Huwag mo na akong alalahanin. " Tinitigan ko lang siya habang nangunguha siya ng isda. Maginaw pero nakukuha niya paring ibigay ang jacket sa akin.

Tinuruan niya akong mangisda. Ang saya ko nun. Lalo na dahil kasama ko siya. Sumasaya naman ang araw ko pag lagi ko siyang nakakasama. Ang saya lang sa pakiramdam.

Way To Your Heart (Way Trilogy #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora