"Saglit lang. May kukunin lang ako sa loob ng kotse."



Nagpapadyak na pumayag si Elijah. Pinagpapawisan na ang noo niya. Nakahinga lang siya ng maluwag ng sumara ang bintana ng silid na akupado ng kuya niya.



Nang makarating sa harapan niya ang papi niya, mabilis na hinila niya ito. Wala ng nagawa ang papi niya kundi ang magpahila sa kaniya.


Hingal nahingal na huminto sila sa harap ng elevator. Pagkabukas pumasok kaagad sila at halos sirain na ni Elijah ang mga pinipindot nuya dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya.

Pagkabukas ng pinto ng elevator, dali dali niyang hinila ang papi niya. Nang nasa harapan na sila ng pinto. Hinarangan sila ng nagbabantay. Tiningnan niya ito ng masama. Nagmamadali na nga siya para masagip ang buhay niya tapos haharang harangan pa siya nito.


Nang mamukhaan, dali daling gumilid ang nagbabantay saka humingi ng despensa. Pagkabukas niya ng pinto ng silid may pekeng ngiti siyang ipinakita para kahit papaano ay maitago ang kaba na nararamdaman niya.


"11 minutes and 27 seconds late."


Sobrang lamig ng boses ng kuya niya. Nakaupo ito sa pang isahang sopa na andito sa loob ng vip room niya. Habang ang mag-ama nito ay mahimbing na natutulog sa hospital bed nito.



Nang mapadako ang tingin ng kuya niya sa kaniya. Pinagpawisan ang mga palad niya. Ang pinaka ayaw pa naman ng kuya niya ay ang nahuhuli. Kaoag sinabi niyang ganitong oras, dapat ganitong oras andiyaan ka na. Dahil kung hindi, malalagotan ka ng hininga. Sa kaso niya, hindi man siya malalagutan ng hininga dahil kuya niya ito, mapaparusahan naman siya. Hindi niya gusto ang parusa, legit. Napagdaanan na niya yun. Ayaw na niyang umulit.



Ihinarang ni Elijah ang katawan niya sa katawan ng papi niya. Tinititigan kasi ito ng kuya niya. Yung titig na parang nagsasabing ito na ang huling araw mo sa mundong ibabaw.



Tumayo ang kuya niya. Lumapit ito sa mag-ama nito. Napalingon naman siya sa paoi niya ng kalabitin siya nito sa likod.



"Who's that kid?"



Kung wala lang sa bingit ng kamatayan ang buhay niya ngayon, matatawa na siya. Paano ba naman kasi, tinawag nitong kid ag kuya niya. Napatikom ang bibig ni Elijah ng mapansin niya ang masamang tingin ng kuya niya sa kaniya. Napansin yata nito ang pagpipigil niya ng tawa. Pagkatapos ay sinamaan nito ng tingin ang papi niya na hindi naman nagpatalo.




"Ssshhh ka lang papi, pinapahamak mo ako. Ano ka ba. Sarap mo sapakin." bulong niya sa papi niya na kinunotan lang siya ng noo.



Magtatanong pa sana ang papi niya sa kaniya ng mapatingin sila sa mag-amang nag-uusap.



"Daddy, dito lang ako. Ayokong lumabas, please." pagmamakaawa ni Luka sa ama.

Nangunot ang noo ni Coldy ng marinig nitong tinawag ng bata nadaddy ang binatang nakasuot ng hospital gown.



"Daddy? May anak na ito?"


Ginulo ng binatang naka hospital gown ang buhok ng bata. Pinahiran din nito gamit ang hintuturo nito ang iilang luha na nakatakas sa mga anta ng bata.


"Sandali lang ito. Sumama ka muna sa tita mo saka sa momma mo. Bantayan mo ang momma mo para sakin, okay?"

Napipilitang tumango naman ang bata. Nag-aalangang tumingin si Elijah sa papi niya na clueless sa nangyayari.




Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterWhere stories live. Discover now