Hindi naman sila magkadugo pero itinuring siya nitong nakababatang kapatid. Naaalala niya pa ng una silang nagkita, yun din yung araw na napadpad siya sa lugar ng diyosa.


Aksidente niyang nakasalamuha si Lucifer dahil sa sarili niyang katangahan. Malay ba niya na ang ipinagbabawal na lagusan ay patungo pala sa underworld. Na curious lang naman siya e.


Hindi siya natakot sa diyosa. Nagagawa pa nga niya itong inisin at asarin e. Pero ng makita niya si Lucifer, doon siya nakaramdam ng labis na pagkatakot. Grabi ang panginginig ng tuhod niya noong araw na yun. Habang palapit ng papalapit sa kaniya si Lucifer, hindi na niya namamalayan na napaluha na pala siya nun. Akala niya katapusan na niya.

Pero doon siya nagkakamali, dahil ang kinatatakutan niya ay hindi pala dapat katakutan. Sadyang nakakatakot labg talaga ang mukha nito dahil na nga din sa kadahilanang hindi ito palangiti at sa taglay nadin nitong lakas.

Akala niya maayos ang lahat sa mundo ng kuya niya. Yun pala, yun pala tinatraidor na ito ng kanang kamay niya. Sabi na nga ba niya e, sabi na nga ba niya at may kajaiba sa animal na 'yun. Ipaghihiganti niya ang kuya niya.


"Night"

"Hah?"

Napakurapkurap siya. Bigla nalang kasi siyang tinawag ng kuya niya. Napalalim ba ang pag-iisip niya?



"Tumuloy ka. Kunin mo ang espada ko. Pagkatapos pasukin mo ng patago ang silid ko, sa ilalim ng kama may makikita kang kahon. Ang kahon na yun ay naglalaman ng espadang dapat ay ibibigay ko sayo bago ako napatay."


Kaagad nagningning ang mga mata niya. Sabi na nga ba niya e, mahal siya ng kuya niya. Lalapit sana siya oara yumakap sa kuya niya ng samaan siya nito ng tingin, napairap nalang siya ng imuheatra nito ang anak nitong kasing sungit nito.



" Nga pala, kuya."

Nakataas ang isang kilay na tiningnan siya ng kuya niya. Napakamot nalang sa kilay niya si Elijah. Kanina pa kasi niya ito napapansin hindi niya lang masabi sabi kasi naman kung ano anong walang kwentang bagay ang pumapasok sa isipan niya.


"Ang pangit pala tingnan, kuya. Ang bata ng katawan na gamit mo ngayon tapos tinatawag kitang, kuya. Eww. Tapos daddy pa ang tawag sayo ng paslit na nasa bisig mo samantalang pagtitingnan kayong dalawa para lang kayong magkapatid. Tapos yang asawa mo, hayst. Para mo na siyang kuya. Kinikikabutan ako sa inyo kuya. Pagnakita kayo ng ibang mago for sure iisipin nila baliw kayo."

Nang samaan siya ng tingin ng kuya niya, kaagad naman siyang nag peace sign dito. Nagsasabi lang naman kasi siya ng totoo.


"Umalis ka na nga, make sure na makukuha mo ang espada ko. Hindi sapat ang lakas ko para tawagin yun."


Napipilitang tumango si Elijah. "Alis na po ako, kuya." bubuksan na sana niya ang pinto ng hospital room nito ng tawagin na naman siya nito. "Kuya?"

"Make sure na walang ibang may makakapasok dito."

Nag okay sign labg siya dito. Lalabas na sana siya ng tawagin na naman siya nito. Pigil ang inis at pilit ang ngiting hinarap niya ang kuya niya.


"Totoo ba na binuo ni Life ang amulet? Gagamitin mo ba talaga yan para mailipat sa katawan mo ang lahat ng nasa katawan ng carrier?"


Napabuntong hininga naman si Elijah. Malaki ang pasasalamat niya na hindi nito nabanggit kanina. Akala niya makakaligtas na siya. Hindi pa pala. Dapat paa kanina pa siya umalis. Kasi naman e. Kung ano ano pa pinaggagawa niya e. Yan tuloy.


Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon