chapter 22

26 5 0
                                    

Hindi ko masasabing masaya ako sa bawat araw na nakahiga lang ako sa kama ko pero ang alam ko ay kuntento na ako.

Sino ba kasing hindi makukuntento?
E sa loob ng apat na buwan ay umiikot lang ang mundo ko sa apat na sulok na kwarto. Dumaan na ang pasko't lahat, heto ako, naka-titig lang sa bintana.

Kagabi, new year's eve. Gustuhin ko man magsaya ay hindi ko magawa. Kumpleto kami kagabi pero kahit anong gimik ang gawin nila mama, ang lungkot pa rin talaga.

Simula kasi nong sa kasalang bayan, palagi nang nasa tabi ko ang tangke ng oxygen. Sobrang hina na ng baga ko to the point na kinakailangang nasa tabi ko ang oxygen.

Sobrang hirap, chempre. Lalo na at hindi nakaka-dalaw yung mga kaibigan ko kasi ayaw ko silang mag-alala sakin.

Pero kung may magandang bagay mang nangyayari sakin, yun ay si Sean.

Madalas na siyang nandito sa hospital, sineseryoso niya ang therapy niya. Determinado siyang kahit papaano ay gumaling siya--deteminado kasi nag-promise kaming dalawa.

'Na kahit anong mangyari, lalabanan namin ang mga sakit na nararamdaman namin'

Masaya ako tuwing napapadaan siya at nakikita siyang ngumingiti. Madalas ko siyang kasama at palagi siyang may kwento sakin, mga kwentong hinding-hindi ako magsasawang pakinggan.

Malapit na ang birthday ko, sa susunod na linggo na sa January 10 at isa lang ang pinapangarap ko...

'Na sana gumaling na'ko..'

Hindi tulad dati ay palagi ko nang kasama si mama dito, nag-leave muna kasi siya para bantayan ako. Si papa ang tanging sumusuporta samin ngayon.

Masakit, chempre. Palagi ko silang nahuhuling pinag-uusapan ang mga bayarin. Aware na aware naman akong malaki ang bill kasi ilang buwan na'din akong nandito.

Kapag talaga naaalala kong halos apat na buwan na ako dito, hindi ko maiwasang umiyak at maalala ang childhood ko.

Dati, nong 5 years old ako ay palagi akong nasa hospital kasi sobrang lala ng asthma ko noon. Halos buong kabataan ko e sa hospital umikot ang mundo ko. Marami akong mga bad memory sa mga taong yun, basta ang alam ko lang ay ayaw ko sa hospital kasi nakaka-depress ang paligid.

Pero noong nag-13 na ako, kahit papaano ay naging okay na naman ang asthma ko kaya simula nung araw na akala ko ay hindi na ako babalik sa hospital ay sinabi ko sa sarili ko na dapat enjoyin ko ang buhay ko, kasi nga masarap mabuhay.

Noon palang e masayahin na akong tao. Kaya nga ako kinaibigan ni Jade kasi daw palagi akong tumatawa kahit na may iniinda, mas naging masaya lang ako ng malaman ko ang kasiyahan ng mundo.

Pero yung akala ko ay hindi na ako babalik sa hospital, ay akala ko lang pala.

'At nakaka-putangina'

Pero kasalanan ko naman kung bat lumala e. Masyado kong inenjoy ang buhay kasi nga 'you only live once' to the point na minsan ay napapabayaan ko nalang ang punyetang baga ko--katulad nalang ng hindi pagsabi kela mama tuwing ina-atake ako ng hika kasi ipupunta nanaman akong hospital, e ang ending, sa hospital pa rin naman ang bagsak ko.

"Nak, ayos ka lang ba?" tanong ni mama.

Gustong-gusto ko siyang sagutin na "Hindi ma, hindi ako okay" pero ayaw kong mas mag-alala siya.

"Okay lang po"

Kuntento na ako, alam kong matagal-tagal pa bago ako makalabas pero sana next month, or kahit sa June nalang e makalabas na ako para makapag-senior high na ako.

Kasi nakita ko na din ang importance ng pag-aaral, it's all thanks to Sean. Tinutulungan niya ako kapag may test na binibigay sakin si ma'am. Kapag pa naman nagtuturo siya ay palaging may motovational quotes--sinong hindi ma-iinspire sa ganon?

As the Sun goes Down (Inlove Series #2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu