chapter 2

38 5 0
                                    

Alalang-alala ko pa kung paano ko naging kaibigan si Samira.

Nag-transfer siya sa school namin last year. Tinulungan niya ako sa mga box na dala ko non. Naalala ko pa na nagandahan ako sakanya kasi chinita kaya kinaibigan ko siya, akala ko maarte siya pero hindi naman pala talaga, englishera lang.

Pinakilala ko si Samira kay Jaden.

Hindi ko alam kung pinagsisihan ko ba yun o ewan.

Nahulog yung isa e.

In bad terms sila nung first day pa ni Samira sa school, ang sungit ni Jade sa babae pero naging okay naman sila kinabukasan nang librehan kami ni Mira ng burger.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-eemo ng bigla akong tinawag nung roommate kong Tessa pala ang pangalan.

"Felicity, kain na daw tayo ng dinner"

"Ah sige, una ka lang" sabi ko sabay tayo. Tinali ko ang buhok ko at sinoot ang hoodie bago lumabas.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na, 8pm.

"Felicity!" tawag sakin ni Samira pagkadating ko sa resto na kakainan namin.

"Mira! San tayo--"

"Feli! Share tayo ng lamesa!" sigaw ni Jade, may dala siyang pagkain.

"No thanks" malditang tugon naman ni Samira. Hindi ko alam kung act lang ba yun o ano. Bahala sila, char.

Tiningnan ako ni Jade at para bang sinasabi niyang 'Pilitin mo si Samira, please'

I sighed.

"Share nalang tayo sakanila, Mirs" sabi ko sakanya.

"Okay fine" padabog naman na tugon ni Samira.

Jade winked at me and mouthed 'thank you'. Inikutan ko lang siya ng mata.

Nasa iisang table lang kami. Tumayo ako para um-order ng pagkain namin ni Samira.

Bumalik kaagad ako sa table at nadatnan ko silang tumatawa. Para silang mag-jowa.

Nilapag ko ang pagkain namin ni Samira at tsaka nagsimulang kumain.

Para akong third-wheel kasi ang landi ng landi ni Jade kay Mira tas nahuhuli ko pang kinikilig ang babae.

Hindi ako naiinis kay Mira, naiinis ako sa isa dyan.

"Cheer mo'ko bukas ha? Practice match kami ng East Hill" sabi ni Jade kay Sam.

"Okay, but don't expect me to cheer loudly" Tugon naman niya.

Practice match? Aba kailangan palang ready ang vocal chords ko.

Ako kasi ang panay cheer sakanya kasi lakas maka-teenfic. Yung parang si Athena at Kenji sa pinanood kong movie.

Pero dahil manhid siya, walang malisya yun para sakanya.

"Ikaw din Fel" sabi niya sabay subo ng kanin.

"Ewan" tugon ko pero chempre joke lang, pupunta naman talaga ako.

Nang maubos ko na ang pagkain ko ay sumenyas ako kay Jade na aalis na tas sabihan nalang si Samira, baka kasi mag-tampo.

Nag-uusap kasi sila, ayaw ko namang maka-disturbo.

Habang naglalakad pabalik sa hotel ay napadaan ako sa volleyball court. Marami ng nagpapractice kahit bukas pa naman ang official. Wala akong magawa kaya pumasok ako at nag-practice mag-isa.

Habang naglalakad pabalik sa hotel ay napadaan ako sa volleyball court. Marami ng nagpapractice kahit bukas pa naman ang official. Wala akong magawa kaya pumasok ako at nag-practice mag-isa.

As the Sun goes Down (Inlove Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon