chapter 13

32 5 0
                                    

TW: depressing scenes, possibly a trigger for some. Read at your own risk.

<<<

"Tagal mo naman" Reklamo ni Sid habang kumakain ng tusok-tusok. 3:37 pm na kaya medyo late nga ako.

"Sorry naman, inutusan kasi ako ng mga teachers mang-collect ng donation sa mga classrooms kaya ako natagalan"

"Second name mo ba ang 'explain'"

Whatever sakanya, nagtusok-tusok din ako at tsaka kinain. Mabubusog talaga ako dito.

"O? Anong sasabihin mo? Siguraduhin mo talagang importante ya--"

"Pwede ba kita ligawan?"

"Phooo--" luwa ko sa kinakain ko dahil nabilaukan ako dahil sa biro ni Sid.

Ano daw? Ligaw? Gag--

"Ayaw ko ng patagalan pa'to Feli kaya makinig ka. Gusto kita pero wag kang feeling, tulad nga ng sabi ko dati, hindi kita type kaya hindi ko alam kung bat ako nag-kagusto sayo" pag-sisimula niya sa speech niya. Tanga ba'tong lalaking to? Di daw ako type tas nagka-gusto sakin?

Akalain mo nga naman! Ganda ko talaga.

"Nang malaman kong nililigawan na ni Jaden si Samira e naisip ko na din na umamin sayo kasi wala ka ng pag-asa kay Jaden"

Huminga ako ng malalim at tsaka siya binigyan ng resting bitch face ko "Ang pangit ng mindset mo Sid. Alam ko naman from the start na wala akong pag-asa sa dyablo na'yun pero wag mo namang sabihin sa ganito ka-taong lugar" bulong ko. Ngayon niya lang na-realize na nakikinig ang mga marites samin.

"Hala! Sorry Feli HAHAHAH" buang niyang sabi. Inikutan ko siya ng mata at tsaka hinila paalis don. Wala na akong pake kung ipagkakalat nila yun--mukha ngang hindi kakalat yun kasi wala namang may pake.

Dinala ko siya sa likod ng campus.

"Sid, tulad ng confession mo ay didiretsahin na din kita. Hindi kita hahayaang manligaw sakin kasi hindi naman talaga kita gusto--hindi kita type at hanggang friends lang tayo. At tsaka pass muna ako sa love-love na'yan, nasa moving-on phase palang ako kay Jaden kaya sorry"

Natahimik naman siya ng ilang segundo tas bigla nalang siyang tumawa ng parang baliw.

"Feeling mo talaga! Joke lang uy! Kahit na may crush ako sayo konti, hindi kita liligawan no!"

Sabi na e, prank lang.

"Sorry Feli HAHAHAH tinetest lang kita kung okay ka lang dahil nga *eherm* na ni Jaden si Samira"

"Pwede mo namang sabihin yung word, oa mo"

"At dahil sa test ko, na-confirm ko na okay ka lang, sabi mo pa nga nasa 'moving-on phase' ka pa"

Inikutan ko siya ng mata "Ewan ko sayo, sinayang mo lang oras ko--"

"Pero huy, pagputuloy mo'yan para naman maka-move on ka na talaga. As a kaibigan at nilalang na may gusto sayo, ayaw kong malungkot ka"

Ngumiti naman ako na parang nangangasar "Sweet mo naman par, pero salamat!"

May kinuha siyang kung ano sa bag niya at tsaka binigay sakin.

"Wow! Siopao!" sabi ko sabay kuha ng hawak niyang paperbag at syaka kaagad na kinain ang mga yun.

"May bayad isa huy"

"Piso, okay lang?" biro ko pero tinawanan niya lang ako.

Naisipan naming sabay nalang kaming uuwi. Hindi kami magka-baranggay ni Sid pero nadadaanan naman niya ang baranggay namin sa baranggay niya.

As the Sun goes Down (Inlove Series #2)Where stories live. Discover now