chapter 8

36 6 0
                                    

"Feli! Let's eat our lunch together!" yaya ni Samira. Medyo nagulat ako kasi bigla lang siyang pumasok sa classroom ko.

"Ah sige!" sabi ko sabay kuha ng baunan ko sa bag. Umupo siya sa upuang katabi lang ng akin.

"Sasabay din pala so Jaden"

"Matik na yun"

Maya-maya lang ay dumating na si Jade hawak ang baunan niya at dalawang kahon ng pizza.

"Uy Jade! Penge kami!" kaagad na sigaw ng mga kaklase kong tropa si Jade.

Binigay ni Jade yung isang kahon, pinaghati-hatian naman nila yun na para bang hindi pa nakakain ng pizza.

"Yaman natin ngayon, Jade ah?" sabi ko sabay kuha ng isang slice.

"Ako nag-utos sakanya hehe" sabi ni Samira sabay subo ng kanin.

"Ayaw kong mainitan ka" sabi naman ng malanding lalaki at nag-wink pa pero inikutan lang siya ng mata ni Samira.

"Ew, ang cheesy" komento ko naman. Binuksan ko na ang baunan ko at nag-simula ng kumain.

As expected, third-wheel ang role ko sa love story nila. Yung bang ang landi ng lalaki tas kinikilig yung babae tas ako parang damo lang sa tabi nila.

"...pero sayang, hindi na tayo classmate" ani Samira sabay inom ng tubig, tapos na kasi siyang kumain.

"Ayaw mo nun, masosolo mo babi mo" biro ko, sumimangot naman siya.

"Gaga ka talaga! E ano naman kung classmate ko siya? Mas gusto ko ngang hindi e---tsaka namiss ko na may ka-tsismisan buddy sa classroom" sabi niya sabay pout.

"Ako, hindi sanay na walang humihingi ng sagot pag quiz" sulpot ni Jade. Obvious namang ako ang ibig niyang sabihin sa 'humihingi ng sagot pag quiz'

"Edi masanay ka"

"Seriously tho, are you okay with your new class?--I mean, as far as I know wala kang masyadong kakilala dito" concerned na ika Samira.

"Okay lang...ata?"

"Anong ata?"

"Okay lang naman na wala akong kakilala, mysterious kuno"

"Anong mysterious? E halos lahat nga ng estudyante dito alam ang pangalan mo. Sino ba namang hindi makakakilala sa isang Felicity Jimenez na sumemplang sa stage habang sumasayaw ng zumba, tas yung na-headshot ng volleyball sa ulo" ani Jade, sinimangutan ko naman siya.

"Mira, pwedeng pakikatay nitong nilalang nato?"

Tumawa naman siya "Kung pwede lang"

"Mag-sama po kayo"

Tas para kaming buang na tumatawa.

"Pero seryoso, okay lang talaga sakin. Pero may taong gumugulo ng isipan ko"

Umakto namang nagulat si Jade "Wow, first time atang sinabi mo yan"

"Ha? Tanga"

"Who's the guy?" biglang tanong ni Samira, nagulat pa ako kasi alam niyang lalaki.

"Yun oh" sabi ko sabay turo ng patago kay Sean na mag-isang kumakain ng tanghalian niya.

"Woah, gwapo. Pero parang ang lungkot naman ng aura niya" komento ni Samira.

"True ka dyan" sabi ko sabay inom ng tubig.

"Feli, may gusto ko don?--"

Nabilaukan ako dahil sa sinabi ni Jade.

"Anong gusto? Curious lang ako sakanya"

"Panong curious?" hindi ata ako titigilan ng lalaking to.

"Curious ako sa...pagkatao niya?" ay tanga, bat patanong?

As the Sun goes Down (Inlove Series #2)Where stories live. Discover now