chapter 7

35 5 0
                                    

Tulad nga ng sabi ko ay boring ang bakasyon ko.

Nag-a-outing naman kami pero boring pa rin talaga e. Kasi, wala yung fleeting feelings--yung feeling na kinikilig ako pag nakikita ko si Jade...yung ganon ba.

Pero chempre joke lang yun, kasi nga may gusto na sa iba ang lalaking yun. Nagmo-move on na ako sa non-existent na romantic relationship namin.

Sobrang bilis lang ng araw. June 3 na pala, ibig sabihin ay first day of school nanaman pero last year na ng junior high school ko.

Hindi ko maiwasang isipin kung anong strand ang kukunin ko kahit na literal na next year pa naman. Okay sana kung flexible ako sa lahat ng bagay--mga subjects nga lang na madali e hirap na ako e.

Pero bawal ang nega vibes sa araw na'to! Dapat masaya kasi makikita ko nanaman ang mga kaibigan ko.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay bumaba ako para kumain ng agahan, nandon na din si kuya na nagmamadaling kumain.

Biglang nag-notif ang phone ko habang nagsasandok at ng tingnan ko ay si Jade lang pala.

From: Dyablo
Sori Feli! Sabay kami ni Samira pupunta sa school, next tym na lang :P Sori ulit

Nag-like reaction naman ako sa chat niya.

Natural lang naman na sabay sila ni Samira pupunta sa eskwelahan kasi may sila pero grabe naman tong lalaki to, dalawang beses nag-sorry.

Pero sabagay, noon kasi ay kami palagi ang sabay pumupunta sa eskwelahan pero chempre ang buhay ay nagbabago, may ka-sabay na siyang bago.

Pero hindi naman ako na-hurt, konti lang--as a friend.

"Hoy! Takpan mo na daw yan kung hindi ka sasandok" pang-eepal ni kuya.

Inikutan ko siya ng mata bago umupo at kumuha ng ulam na nasa mesa. Mas lalo akong na-motivate ng makitang hotdog at scrambled egg ang ulam!

Kaagad kong tinapos ang pagkain ko at tsaka nagpaalam kay mama at papa na uuna na ako. Sakto namang nakita ko si Sandra na nakatambay sa tindahan.

"Bilisan mo huy!" sabi ko sabay hila sakanya.

"Teka lang naman! May binibili pa ako"

Akala ko naman kung anong bibilhin niya, soft drinks lang pala.

"Ang aga Sandra ha?"

"Init e!" sabi niya sabay inom.

Naglalakad na kami papuntang kanto para doon sumakay mg traysikel ng biglang sumagi sa isip ko yung kambal niya.

"Sabi mo sa katapusan uwi ng kambal mo? Edi nandito na'yun?" tanong ko.

"Naka-uwi na naman talaga siya. Hindi ko nga lang maipakilala sa'yo kasi palaging nasa kwarto niya. At tsaka diba hindi ka interisado?"

Inikutan ko siya ng mata "Curious lang, nu ba!"

"Asus! Wag kang mag-alala, makikita mo siya sa mamaya sa school"

"Doon din siya?"

"Malamang dai"

Nang makarating kami sa kanto ay naghintay pa kami dahil walang dumadaan na traysikel. First day na first day!

"Bat hindi kayo magkasabay?" tanong ko ulit, curious lang talaga ako.

"Ayaw niya makisabay e. Alone ang peg"

"Ganon"

May traysikel na ay kaagad kaming sumakay ni Sandra. Nag-chikahan naman kami kasi yun ang daily dose namin.

As the Sun goes Down (Inlove Series #2)Where stories live. Discover now