chapter 10

34 6 0
                                    

Nakangiti ako habang inaayos ang mga gamit ko sa bag.

E kasi naman itong si Sean, niyaya akong sabay kaming uuwi. Chempre hindi nakaya ng sistema ko kaya ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

Kahapon lang, ang cold-cold niya sakin tas ngayon, makakasabay ko pang umuwi.

Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay kaagad ko siyang nakita sa harap ng pinto ng classroom, naka-sandal siya sa door frame habang may binabasa.

Pumunta kaagad ako sa gawi niya't ngumiti. "Anong binabasa mo?"

Sinarado niya ang libro "Mystery of things ni A.C Grayling"

Nag-'ah' lang ako kasi hindi ko naman alam kung ano ang librong yun.

"Hali na" Sabi niya't nagsimula ng mag-lakad.

Malapit ng mag-dilim kasi 5:42 na, medyo natagalan ako sa classroom kasi yung mga hinayupak kong groupmates ay iniwan ako, ayaw ko namang mag-reklamo kinabukasan yung nga kaklase ko bukas kesyo hindi daw makinis ang sahig---kala naman nila nag-bigay sila ng floor wax.

Anyways, kailangan pa naming sumakay ng trysikel at lalakad ng 5 minutes para makarating na ng bahay. Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa mga naka-tambay na traysikel na naghihintay ng mga pasahero
Nang makasakay na ay naka-tulala lang ako sa labas. Wala nanamang nagsasalita saming dalawa ni Sean kasi wala akong maisip na topic.

Biglang nag-traffic malapit sa mall. Nakatulala lang ako nang bigla kong nakita sina Jade--malamang ay kasama niya si Samira--sa loob ng arcade house, ang dami naman nilang date ngayong araw.

Ang pangit talaga ng timing ng buhay ko. Kailangan ba talagang ipakita sakin na mas masaya si Jade pag kasama si Mira?

"Siya ba?" Biglang tanong ni Sean.

"Ha? Anong siya?"

"Kung bat heartbroken ka?"

"Oo" diretso kong tugon.

Huminga siya ng malalim at sinandal ang likuran niya sa sandalan at sinabing "Bagay sila"

Sumalubong naman kaagad ang kilay ko "Alam ko, okay?"

"O bat parang galit ka?"

"Hindi ako galit!" talagq ba, Feli?

Nag-kibit balikat lang siya at tsaka pinagpatuloy ang kung anong ginagawa niya sa cellphone niya.

Hindi ko namalayang gumagalaw na pala ang traysikel. Napuno nanaman ng mga unnecessary thoughts ang utak ko, taenang buhay naman to.

Bumaba na kami sa kanto at naglakad nanaman pauwi.

"Sorry" biglang sabi niya.

"Bat ka nag-sosorry?"

"Nagalit kita"

"Hindi ako galit sayo, galit ako sa buhay kong to" Inis kong sabi.

"Dahil lang sa love life?"

"Love life ka dyan, ni never ko nga yung naging jowa yun e" sabi ko't natawa ng mapait.

"Payo lang, wag mo masyadong isipin yang love life love life na'yan kasi..."

Ano ba'tong lalaking to, pa-thrill! "Kasi?"

"Kasi dadating lang naman yun tsaka...bata ka pa--bata pa tayo"

Sabagay, sabi ng kuya ko sa college na lang daw ako humanap ng boyfriend kasi maraming gwapo, supportive din yun, hindi lang halata.

"True ka dyan pero duh, hindi na ako bata no" biro ko, ngumiti lang siya.

"Nga pala, sa bahay ka na nina Sandra nakatira diba?" Dagdag ko

As the Sun goes Down (Inlove Series #2)Where stories live. Discover now