chapter 6

34 5 0
                                    

"Ayan, lumala na. Sinabihan na kitang i-hinto mo na yang volleyball volleyball mo e" Sermon ni mama. Sino ba kasing hindi ma-stestress e imbes na nasa bahay kami ngayon ay nakahilata ako sa higaan dito sa hospital.

Malapit na kami sa bahay ng biglang umatake ang asthma ko. Minsan talaga parang nananadya tong sakit na'to.

"Hihinto na po" tugon ko na lang. Si Jade naman kasi talaga ang reason kung bat ako sumali sa sports fest kasi nga pupunta din siya---pero hindi niya naman kasalanang matigas ang ulo ko at pumunta pa rin.

"Nasa baba na ang papa mo, bibili lang kami ng makakain" sabi ni mama bago umalis.

Kinuha ko ang cellphone ko, nagulat ako kasi puno ng missed call ni Jade ang notification ko, pati kay Samira.

Dyablo
Hoy nasa hospital ka daw??

Panget
Oo, umatake e

Dyablo
San? Punta kami ni Samira

Panget
Malayo na dyan uy.

Dyablo
Agoi. Ano? Musta?

Walang meaning yan Feli! Nangangamusta lang.

Panget
Okay na naman. Bukas buhay na buhay nanaman ako

Dyablo
Ingat ka.

Nah ah! Walang meaning yan!

Panget
Oo naman.

Dyablo
Kain na kami dinner, kain ka na din

Panget
Okey, eat well

Ilang minuto lang ay nag-chat din si Samira sa akin

Samira Dyosa
FELICITYYYY!! ARE U OKAY?? :<

Feli <3
Oki lang ako hehe

Samira Dyosa
Hindi mo nanaman sinabi saking umuwi ka na pala :<<<

Feli <3
Nagmamadali si mudra e hehe

Samira Dyosa
Take care Feli!

Feli <3
Kayo din!

Timing namang deadbat na ang phone ko.

Umupo ako at natulala na lang sa labas.

"O anak, musta?" Tanong ni papa pagkatadating niya, hawak niya ang bunso kong kapatid.

"Okay na naman po"

"Tumigil ka na sa volleyball anak ha? Focus ka na lang sa eskwela" ani papa, tumango naman ako.

Dumating na din si mama na may hawak na pagkain kasama si kuya.

"Volleyball pa" unang sinabi sakin ng kuya ko. Inikutan ko lang siya ng mata.

"Nak oh" sabi ni mama sabay bigay sakin ng pagkain.

Nakatulog yung bunso kong kapatid kaya hindi ko siya maasar. Instead, itong pinakamatanda ang nangangasar sakin.

"Pag-uwi mo, gawan moko ng plate ha? ha?" sabi ni kuya.

"Plate mo yan tas ako pa gagawa? Ano ka sineswerte?"

"May pupuntahan kasi akong date" bulong niya pero inikutan ko lang siya ng mata.

"Ano ako? Tanga? E wala ngang nagkakagusto sayo tas magkakaroon ka ng date"

May pinakita siyang picture at omg ha, ang ganda ng babae!

As the Sun goes Down (Inlove Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon