Napatawa sya sa akin and she's so cute.

"Sabi kasi ni ate Ynah masarap daw sa pares lalo na pag medyo lumalalim na ang gabi, bagay sa medyo breezy na ambiance." Explain nya sakin

"Anu ba kasi yung pares." Pagtatanong ko na

"Beef pares, para syang mami pero walang noodles pero puro beef ang laman and bagay sya sa fried rice. Ganon lang sya kasimple pero masarap naman daw." Sagot nya sakin tyaka sya biglang humawak sa kamay ko.

"Okay, let's try." Pagtatapos ko nang convo namin about pares

-------------

Pagdating namin ay hindi ko inexpect, like it's nasa motorcycle lang pala sya tapos ayun na, may dalawang small table lang at upuan then yung iba nga nakatayo pa habang nakain pero grabe andaming nakain as in.

Seems like, masarap sya kasi yung iba nag eextra rice pa.

"Ready to taste beef pares?" Tanong sakin ni Luv habang ngiting ngiti pa

"Of course, looks like mouthwatering naman." Sabi ko na lang kaya inunahan ko na syang lumapit sa pares.

Ako na yung umorder para samin ni Luv, excited kasi ako sa mga ganitong pagkain. Ewan ko ba pero gusto kong nattry yung mga bagay na to.

Mas pinili na lang din namin na kumain nang nakatayo kasi yun naman talaga, pinatong lang namin yung pares sa side nang motorcycle ni Kuya tapos hawak namin yung bowl nang rice, cute pa kasi may plastic sya kasi nga diba sobrang dami na ding kumain sa bowl na hawak ko.

Magcho-choosy pa ba ako ehh gusto ko nga matry yung mga ganito.

After naming maubos ay sabay pa kaming napadighay ni Luv kaya nagkatawanan kami.

Binayaran na namin yung aming kinain at si Luv hindi na kinuha ang sukli at nag keep it change na lang.

"So what's next?" Tanong sakin ni Luv, so hindi pa pala kami uuwi?

"I think let's go to perya." Sya naman ang nagulat sa sinabi ko

"Perya? Like saan ako hahanap nang may malapit nang mag fiesta para may perya tayong makita?" Tanong nya sakin

"Meron yan, tiwala lang." Pagko-convince ko sa kanya

"Okay fine! Let's go." Sabi nya tyaka nya ko hinila papunta sa kotse nya

After scrolling the street, luckily may nakita din kaming peryahan. I think 45 mins kaming naghanap hanap.

Masaya! Sobrang ingay at ang lively.

"Luv, bili tayo nang popcorn." Yakag ko kay Luv at agad naman kaming pumunta doon.

Habang iniintay ko yung pagluluto nang popcorn kasi sobrang cute nya panoorin ay napansin ko si Luv na sa iba nakatingin.

Agad kong hinanap kung anong tinitingnan nya, and it's ihaw-ihaw and mga kwek-kwek, fishballs, squidballs at palamig.

Habang pinagmamasdan ko sya, nakatingin lang sya dun na mismong stall nang mga street food.

Agad ko namang naalala si Mariko, and aaminin ko it's hurt alot.

Like, naaalala nya talaga si Mariko sa ganon lang?

But I told you, ayokong mag-isip nang masama pero pag ganito ang makikita ko. Nasasaktan ako, masama na ba yon?

"Luv, here na yung popcorn." Agaw pansin ko kay Luv at agad naman itong tumingin sa akin

"Ohh yah! Mukang masarap, anong flavor?" Tanong nya sakin habang nakangiti

"BBQ." Sagot ko na lang, ayoko nang magtanong or mag open about Mariko.

After naming bumili nang popcorn ay parang nawalan na kami nang gana, ako at kahit sya ay ganon din.

Siguro ay naisip nya na naman si Mariko at worried dahil nga nagka-emergency kanina.

Sa part na yon ay wala akong magawa.

"Is it Mariko?" Sa pinaka matapang na tanong

"Ahh no, I'm just tired. Sorry." Sagot nya sakin na halatang nagsisinungaling lang.

"Tara, uwi na lang tayo. Pass 11pm na rin naman at kanina pa tayo sa daan." Yakag ko sa kanya

"Sorry." Yun ang sinagot nya sakin tyaka kami pumunta sa kotse nya na nakapark.

Pagsakay namin ay tinanong ko na ulit syang muli, okay lang kahit masakit Basta malaman ko lang ang dahilan kung bakit bigla syang nawala sa mood.

"Luv, tatanungin kita ulit. Si Mariko ba?" Tanong ko nang harapan sa kanya pero laking gulat ko nang umiling syang muli at tumingin sa daan

Bullsh*t! Alam ko, kutob kong si Mariko pero bakit lagi nyang tinatanggi?

Eto yung pinaka masakit sa lahat, yung alam mo na pero tinatanggi nya pa sayo.

"Luv, please." Pagmamakaawa ko dahil gusto kong malaman, gusto kong makakuha nang konkretong sagot sa kanya kasi mas masakit na tinatanggi nya pa.

Nakita ko na huminga muna sya tyaka tumango pero sa daan pa din nakatingin.

"Why Mariko?" Tanong ko

"No, not that. I think worried lang talaga ako kanina pa kasi diba sabi nya satin na may emergency sya. Like, ako na alam ko na may something na nangyari pero hindi ko manlang sya natanong or nahatid manlang, ehh kaibigan ko sya." Explain nya sakin tyaka nya ko tiningnan nang may malungkot na mukha

"Muka namang okay sya kasi kung hindi siguro nagchat na sayo yung mga friends nyo diba?" Sagot ko na lang, it's too painful.

Hindi na sya sumagot sa akin at tahimik na binaybay na lang namin ang daan papunta sa bahay namin para ihatid ako pauwi.

Pagdating namin sa tapat nang bahay namin ay biglang may nag pop sa phone nya, I think it's messenger.

Kinuha nya naman agad yung phone nya na nasa side namin, hindi pa rin ako bumaba at inaantay ko na buksan nya yung messenger. Hindi ko alam pero gusto kong makita kung ano yon.

"Luv, sino yan?" Walang ligoy na tanong ko

"Ahhh GC lang namin, nag pasa nang picture si Cielle." Sabi nya lang

"Anung picture? Patingin." Paguusisa ko pa

Hindi sya sumagot pero pinakita nya sakin yung picture, it's Cielle with Ricalde Family. I think nag dinner si Cielle kina Mariko.

Masama na bang makaramdam nang tuwa? Pero pagtingin ko sa katabi ko ay ganon na lang nang makita ko sya, she's holding the steerwheel nang sobrang higpit.

Sana sinisisi nya na lang yung sarili nya na sobrang worried sya tapos nag eenjoy naman pala at kasama pa sa dinner si Cielle kesa isipin kong nagseselos sya dahil si Cielle ang kasama.

I'm done! Ayokong makipag talo pa gusto ko nang magpahinga at pagod na din naman ako. Lumabas na ko sa kotse nya nang walang anong sinabi.

Nakita ko naman na agad din syang lumabas at hinawakan ako, actually wala akong balak na magpaalam sa kanya dahil muka naman syang walang pake sakin.

"Sorry Luv, mahal kita sobra. Good night." Sabi nya sakin tyaka nya ko kiniss sa forehead at yumakap

Wala na din akong nagawa at yumakap na lang din ako.

"I love you, good night." Sabi ko na lang tyaka ako tuluyang pumasok sa gate namin.

------------

Eto na po ang UD. 🥰🥰🥰

Sorry Avery. 🤧🤧

Dapat si Domini ang sinisisi dito ehh, sobra na sya. Charots! 😅😅

Please vote and comment.

GLIMPSEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum