"Problem?"

Muntik ng mabuwal sa kinatatayuan niya si Elijah ng dahil sa sunod na sinabi ni Justine.

"Masakit sa likod."

"What the hell!!" sabi ni Elijah sa isipan niya.

Bigla nalang nagpapadyak si Justine sa kinatatayuan niya na parang isang bata. Nakanguso din ito tapos ang isang kamay ay nakahawak sa likod.

"Nakakainis siya, alam mo ba yun? Palagi nalang siyang masaya samantalang ako paggising ko sa umaga iniinda ko ang sakit ng likod ko. Ang sama ng ugali niya. Sabing ayoko na pero sige padin siya ng sige. Dapat sa kaniya putulan ng ano e!" inis na inis na sabi ni Justine. Masama din ang tingin nito sa punong nasa harapan niya, iniisip na yun ay si Finligh na pinagsasaksak niya hanggang sa malagutan na ng hininga.

Napabuntong hininga naman si Elijah. Magsasalita palang sana siya ng unahan na siya ng loko kaya itinikum nalang niya ang bibigbniya at nakinig sa active sex life nito kasama ang Prinsipe na si Finligh.

"Joke lang pala, pag naputol yun hindi na kami sasaya. Kaya lang nakakainis siya eh. Alam mo bang hirap na hirap akong maglakad kanina? Kasi naman, hindi na naman ako tinigilan ng sira ulong yun."

Nanggigigil na si Elijah. Parang gusto niyang gilitan ng leeg ang kaibigan niya.

"Alam mo ba---

Bago pa maituloy ni Justine ang sasabihin niya, inunahan na niya."Hindi ko alam, sorry."sarkastikong sabi niya

Natigilan naman si Justine, nginusuan niya si Elijah. Nagpadyak pa siya ng dalawang beses." Hayst, hindi na nga labg ako mag kukwento, parang ayaw mo namang marinig e."

Pumalakpak si Elijah saka tunawa na animo ay natutuwa siya. "Buti alam mo. Hanggaling." aniya na ikinasimangot lalo ni Justine, galawang shokla na talaga ang ferson. "Tara na nga, akala ko pa naman kung ano na problema mo. Yun lag pala, tsk. Kala ko naman mamamatay ka na."

Sa bilis mag lakad ni Elijah, nakalayo na siya ng kaunti habang si Justine ay tulalang nakatayo padin sa kinatatayuan niya. Nang mapansin ang papalayong pigura ni Elijah mabilis na tumakbo siya pahabol dito.

"Bakit mo naman ako iniwan dun?" inis na tanong niya ng makahabol siya. Hindi siya sinagit ni Elijah. Nag focus ang bruha sa paglalakad.

"Ang bagal mo, bilisan mo. Malapit na tayo sa dulo ng gubat na 'to, magagamit na natin kapabgyarihan natin." aniya, pakibhasa gutom na gutom na kaya nagmamadali ang bruha. "Ano ba yan, ang bagal mo maglakad. Ang hahaba niyang biyas ko pero yang hakbang mo, hakbang ng bata. Tsk."

Inis na tiningnan naman siya ni Justine. Kasalanan ba niyang masakit ang likod niya? Pag uwi talaga niya sa bahay niya sisiguraduhin niya na masasakal niya si Finligh, nakatikim tuloy siya ng pantataray ng bruha niyang kaibigan na baliw pa.

"Pwede ba, huwag mo akong madaliin. Tinitiis ko na nga lang 'tong sakit ng likod ko para masamahan ka tapos ginaganiyan mo pa ako. Tsk. Ang bait mo namang kaibigan."

Hinarap siya ni Elijah sabay sabing. "Hindi ko kasalanang inaabot kayo ng umaga kapag nag kakainan. Duh."

Inambahan niya ng hampas si Elijah na mabilis naman na nakalayo sa kaniya. "Haystt!!! Bwisit na babaeng 'yun!"

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon