Napabuntong hininga si Elijah "Paano malalaman ng mga mamamayan ang tungkol sa dark org kung may nagpoprotekta mula sa itaas." nagulat naman ang talo. Imposible, walang may maglalakas loob na trumaidor sa emperador. Nakakamatay ang galit ng emperador. "I can't easily destroy dark org. Mag babackfire sakin yun at maraming inosenteng mamamayan ng Sentro ang mapapahamak. Lalo na ang mga bihag ng mga ito. Kaya naisipan ko, uunti untiin ko nalang. Si Yu ang pinakamahinag sangay ng dark org, hindi mainit ang mga mata ng nasa mataas na posisyon sa dark org sa kaniya kaya siya ang inuna ko. While doing my research, napag alaman ko ang tungkol sa inyo at sa past mo. Kaya ginamit ko ang lahat ng yun para mapabagsak siya.

Sa tulong ni Justine na aaminin kong kinaibigan ko lang dahil gwapo at mapakikinabangan ko. "

Binato ni Justine ng sliced apple si Elijah na natatawang napaiwas na lamang.


"Nang mapabagsak ko na si Yu, nag iisip ako kung sino ang isusunod ko. Kaya lang pakeelamero si Mc'Green. Sinubukan niyang pa imbistigahan ang nangyaring kaguluhan, bibigyan pa yata ako ng problema ng animal. Sa inis ko siya ang sinunod ko, tyamba naman na ang pagdamay ko sa kapatid ni Lianna ay may silbi pala. Nagamit ko si Lianna para mapapirma ang tagapagmana ni Mc'Green. See, wala man lang kaalam alam ang demonyo niyang ama na lahat ng property under sa pangalan ng anak niya ay nasa akin na. Isama pa natin na si Yohann na ngayon ang CEO ng company nila."


"Tapos si Devon at si Patterson. Hindi ko kailangan ang pagbabalikan nila , ang kailangan ko ay ang pag merge ng company nila."



"Bakit?" sabay nataning ng tatlo


"Bakit nga ba? Siguro dahil ayokong dungisan ang mga kamay ko kaya naisipan kong unti unti silang pabagsakin, financially. Pag naubos ang pera nila, paano pa sila susundin ng mga tauhan nila? Sa unti unting pagbagsak ng negosyo nila, siguradong manginginig sila. Hahaha, anyways, ibigay mo nga pala ito kay Yohann, make sure na makakain niya ang lahat ng yan hah." sabay abot ng ginawa niyang dumplings


"Ano naman 'to?"



Nagkibut balikat ang si Elijah. Limang dumpling, isa sa limang yun ay naglakaman ng blood sucking demonic worm. Duda si Elijah na mapapasunod nila hanggang sa huli si Yohann. Lalo pa at tuta lang din ito ng ama nito, kaya naman kailangan niyang makasigurado.

"Hindi ko maintindihan, anong kinalaman ng pag merge ng company ng mga magulang ko sa plano mo?" Justine.



Tinitigan siya ni Elijah. Mata sa mata. "Ayaw ng momny mo sa mga bagay bagay na eligal hindi ba?" tumango naman si Justine. "Sa oras na mag merge ang company ng dad mo at ng mom mo, kusang iiwan ng dad mo ang koneksyon niya sa dark org. See, nabigyan na kita ng pagkakataong mabuo ang pamilya mo, hindi pa ako mahihirapang kombinsihin ang dad mo na iwan ang dark org. It's like hitting two birds in one stone."


"Paano ka naman nakakasigurado naiiwan niya ang dark org?"



"Pft...maraming taon na ang nasayang sa kanila. Ngayon na may pagkakataon na siyang buoin ang pamilya niyo, sa tingin mo ba bibigyan pa niya ng dahilan ang mommy mo na iwan ulit siya?"




Napatango tango naman sila.

"Ano ba talaga ang plano mo?" wala sa sariling naitanong ni Queen.




Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon